01

143 8 3
                                    

"Reese try mo na dali. Malay mo number talaga ni Rivero yan."

"Pano kung hindi? Edi napahiya pa ako."

"Dali na!"

Pano ba 'to? Baka naman kasi scam lang 'to diba? Nakita ko lang naman kasi 'tong papel na 'to sa may table ko sa klase ko sa physics. Nakalagay Ricci Rivero tas may number. Malay-malay ko ba baka trip lang nila.

"Ay pabebe! Akin na nga! Ayan na oh! Hulog na ng langit yan bish!" Kinuha niya yung phone ko at dinial yung number sa papel.

"Ella! Nakakahiya!"

"Sssshhh! Nagriring na! Ayan!" Saka niya binalik ang phone sa akin.

Pano ba 'to? Sa 5 years na pagiging fangirl ko never ko pa siyang nakita or nakausap man lang. kinakabahan ako.

[Hello?] sh*t! Ang lamig ng boses niya. Siya ba talaga 'to?

"Uhm...."
Wala akong masabi! I'm so freaking speechless! Feeling ko natuyo yung lalamunan ko! Help meeeeee!

[hello? Brent? Ano ba? Pwede ba wag ngayon?]

"Huy! Ano na? Siya ba yan?" Sabi ni Ella.

[uhm Ri— *toot*]

"Nawala!" Sigaw ko

"Tawagan mo ulit dali!!!" Sagot ni ella

Dinial ko ulit yung number
[Sorry! You don't have enough load—]

"Wala na akong load."

"Ang yaman-yaman mo naka-iphone tapos walang load?!"

"Eh bakit ba?"

"Kung ako sayo Reese magpapaload na ako araw-araw o kaya magpapa-line na ako para nonstop yung calls at texts namin niyang si Rivero lalo na papi na yang nabingwit mo."

Grabe naman! Nabingwit talaga? Ano yun isda?

"Hindi shokoy yun. Shokoy." Sabi ni Ella

Kumunot naman yung mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Halata sa mukha mo,sis." Dagdag niya.

"Whatevah! Tara na nga. Treat ko punta tayong SM North."

"Tara basta libre mo."

"Oo na!"

📍SM North

"Hey There! It's me again Reese and welcome back to my channel! So ngayon I'm with Ella and nandito kami sa SM North. Katatapos lang ng class namin and naglilibot-libot lang kami ngayon dito sa mall."

Nakakahiya magvlog in public pero gora parin para sa views.

"Hi guys!"

"Balak namin magshop ngayon ng new clothes and I decided to bring you with us. Let's go!"
Then tinakpan ko yung cam.

Naglakad na kami ni Ella nung may mga lumapit sa amin na grupo ng babae.

"Hi po Ate Reese! Papic po kami." Sabi nung girl na nakasalamin.

"Hello! Anong name niyo?" Tanong ko.

"Alexi po."

"Jamella po."

"Erica po."

"Tara na let's pic." Then isa-isa na silang nagpapicture.

Thru These TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon