Shouting Lovers (One Shot)

113 8 1
  • Dedicated kay Micah Dizon
                                    

Tinitignan or should I say tinititigan ko ngayon ang crush ko na si Jireh... OMG! Why so gwapo? Haaaay, ang kaso nga lang may iba na siya at kaibigan ko pa! Saklap diba? Pero ayos lang, kahit na sa imagination ko man lang ay nag I-I love you sakin si Jireh... At mag I-I love you too-

"MONTEMAYOR!"

"I LOVE YOU TOO JIREH!"

O_O Shemaynecitythatfulloffantasy. WHAT DID I DO?!

"HAHAHAHAHAHA!" Grabe! Pagtawanan daw ba ako?! Tae, ba't ko ba kasi nasabi yun?! Aish! Kasalanan lahat to ng teacher na yan! >___<

"Ehem! Ms. Jia Montemayor, hindi ito ang oras para dyan sa lovelife mo, nagdedaydream ka nanaman. At ano? May pagnanasa ka pala kay Jireh?!" Ahh! Kung minamalas ka nga naman eh no?! Napatingin ako kay Jireh at... ang tae! Namumula siya! Aish! Panigurado galit na yun namumula na ang mukha eh. Di ba pag galit, namumula ang mukha?! Aish! BADTRIP!

"S-sorry po Ma'am." Eww. Nag-sorry ako dyan sa hukluban na teacher na yan?! Like I care about her no XD

Napatingin ako ulet kay Jireh at.... at.... nakatingin din siya sakin... PERO umiwas din nung nakita niyang nakatingin ako sakanya.... Haaaay :( Ako na lang kasi... Ako na lang, wag na siya. Jireh, ako na lang!

"MONTEMAYOR!"

"AY JIREH, AKO NA LANG!" AHHH! Nagdedaydream nanaman pala ako! At... at... may nasabi nanaman akong hindi kanais-nais!

 "Jireh nanaman?! Montemayor, get out of my class! Hindi ko kailangan ng estudyanteng hindi marunong makinig!" Tss. Whatever you say, weirdo.

"Okay Ma'am :)" With matching smile pa yan ha. Syempre, iinisin ko yung teacher no! Hahaha. Nakita ko namang napakunot ang noo niya, siyempre ikaw ba namang mag-smile eh mapapalabas ka na nga sa klase?! XD

 Lumabas na rin naman ako. Nung medyo malapit pa ako sa pinto ng room, may narinig akong sumigaw. Lalaki ata pero hindi ko na nakilala kung kanino boses. Oh well uuwi na lang ako. Nyahahaha. I'm a brat. Yeah, I know.

"Wait!" Teka.... kilala ko kung kanino boses yun..

"J-jireh?" Oh my!!! Si Jireh nga!

"Uhh. Hi?" Hi pa lang kinikilig na ko! XD

"Hello?" Anebeyen, kinikilig na ko dito ohh XD

"Ano kase... Ahh.. Can we talk?"

"Ahh.. Sure.'' Talk daw.. Ahh.. baka tungkol lang sa school or such..

Nagsabay kami maglakad, siya pala napalabas din pala siya.. Teka ba't ba siya napalabas? May sumigaw kanina di ba? Siya ba yun? Uhmm...

Ang tahimik naman... Magsasalita na sana ako nang magsalita rin siya...

"May gagawin ka ba this Saturday?"

"Wala naman, bakit?" Ano, yayayain mo ko mag-date?! Hahaha! ASA. 

"Pwede ka bang yayain lumabas?" Huh?

"Huh?" Di ko gets ehh.. Lumabas? Kami?

"Ano... Kung hindi pwede, ayus lang."

"Lumabas saan?"

 "Date" Narinig kong sabi niya... Pabulong na nga lang eh pero naabot ng pandinig ko no :P Ako pa! 

"Date? Di ba yung kaibigan ko dinedate mo? Ano 'to linoloko mo kaming dalawa?!' Aba! two timer pala 'to eh!

"Hindi! Hindi!"

"Eh, ano?"

"Ano-" Bago pa niya matapos yung sinasabi niya, may narinig kaming nagsalita sa likod namin.

Ahh, mga kaklase pala namin. Asus, labasan na rin pala, pinalabas pa kami nung teacher na yan.. Grrr.

"Oh! Eto na pala ang love birds naten eh!" Tss LOVEBIRDS? ASA PA AKO.

"Nu ka ba pre!? Hindi love birds! SHOUTING LOVERS ang dapat itawag sa kanila!" Sabat ng isa pa naming kaklase na lalaki. Halos lalaki pala mga 'to.

Teka Shouting Lovers? Eh diba dapat shouting lover lang? Kasi ako lang naman ang nagmamahal dito?! diba?!

P.S: Galing ko talaga sa English! Plural ang Singular form of words men! Hahaha!

"Ano nga yun pre? I love you too Jireh? Tapos I love you Jia? Hahahaha!" - Boy 3

Eh? O__O

"Ambaduy pre! Nauna yung I love you too kesa sa I love you? Hahaha!"

Eh ulet? O___O

Napatingin ako kay Jireh. Pero umiiwas siya ng tingin. Eh?

"Oh ano Jia?! Sinagot mo na ba 'tong tropa namin?! Nag I Love you na oh! haha!

"Ah, eh, ano. Di ba nanliligaw siya sa kaibigan ko?" Totoo naman eh.

"Hala! Napagkamalang kang nanliligaw ng kaibigan niya pre! Lagot!" - Boy 4

"HIndi ba?" tanong ko sa kanila ng may pagtataka.

"Hindi no! Loyal 'tong tropa namin sa'yo! Torpe kasi kaya nagpapatulong pa sa kaibigan mo!" - Boy 5

HUWEH?!!!!!!!!!!!!!! FOR REAL?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Tumingin ako kay Jireh at nakatingin na rin naman pala siya sakin.

"Weh?" Aish! Ano ba yung natanong ko na yun! Napaka informall! >.<

"OO" Anubeyen! Ang Hina! Di ko narinig! May dumaan pa naman!

"Ano?" Di ko talaga marinig! Labasan na kasi talaga at nasa hallway pa kami kaya maingay, nagsisilabasan na lahat ng mga estudyante.

"ANG SABI KO I LOVE YOU!" Ano raw? =">

"ANO? HINDI KO MARINIG!" Hihihi. Mahal niya daw ako? ="> Wahahaha. Naririnig ko naman talaga eh, gusto ko lang ulit-ulitin niya. :D

"I LOVE YOU JIA MONTEMAYOR! MAHAL NA MAHAL KITA!" :">

The End!

-----------

[Bap's Note: Salamat po kung binasa nyo to. Pa-vote po kung maganda, pa-comment kung nagustuhan at pa fan po kapag like nyo po the way I write!! HEHEHE. THANKS A LOT. GOD BLESS YOU ALL.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shouting Lovers (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon