Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Ikalimang Patak

2.5K 49 10
                                    

Ang iyong mga mata
ay tila nangungusap.
Sinasabing magtiwala
Habang umiiyak ang ulap

Dahil ba iyon sa sakit
O sa saya na halatang
hindi pinipilit?

-Ikalimang Patak
(Mga mata)

Raine

"BAGYO NA NAMAN," bulong ko habang sumisilong kami ni Kester sa isang sari-sari store na nasa gilid ng kalsada. Panay ang malakas na pagbuhos ng ulan habang pilit namin na pinagsisiksikan ang mga sarili sa extension ng bubong ng sari-sari store para hindi kami mabasa.

Nilingon ko si Kester sa tabi ko na ngayon ay seryosong nakatingin sa harapan naming dalawa.

"Psttt," tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Seryoso lang siyang nakatingin sa kanyang harapan na tila roon nakasalalay ang buhay niya.

"Kester," mahinang tawag ko ulit. Napairap ako nang hindi siya lumingon sa akin o nagsalita man lang.

"Argh! Nakakainis ka na ha!" inis kong bulyaw at hinampas siya sa balikat.

"Ano'ng problema mo?" malamig niyang tanong sa akin. Naramdaman kong nanginig ang mga binti ko dahil doon. Mag kasinlamig ata ang boses niya at ang ulan na patuloy sa bumubuhos.

Napalunok ako at natahimik na lang. Kinagat ko ang pag-ibabang labi ko. Hindi ko alam kong ano'ng gagawin.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Maski ang walang katao-taong kalsada ay pinagtuonan ko na ng pansin. Tahimik lang kami, hindi nag-iimikan kahit na sobrang lapit lang naman namin sa isa't-isa.

Lumipas ang ilang minuto at ganun pa rin. Nang nilingon ko siya ay nagsimula na siyang magkalikot sa kanyang cellphone.

Aba't!

Agad na nag-init ang ulo ko. Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng inis. Mas inuna niya pa ang cellphone niya kesa sa akin na kanina pa naiilang sa sitwasyon naming dalawa. Kung ayaw niya akong kausapin edi 'wag! Magsama silang dalawa ng cellphone niya!

Actually, wala naman talaga akong pakialam. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Naiinis ako dahil hinila niya pa ako kanina pero hindi rin naman siya makikipag-usap sa akin. Nakaka-init ng dugo sa totoo lang.

Napabuntong-hiniga ako dahil sa inis at walang pasubaling lumusong sa gitna nang napakalakas na ulan.

Nagsimula akong maglakad palayo sa sinisilongan namin habang bumubuhos ang ulan sa katawan ko. I shivered as I felt the coldness of the raindrops kissing my skin. But it didn't stop me from doing what I want to do. Uuwi ako ng bahay at hindi na ako makikipag-usap sa kanya. This is already a mistake. Dapat hindi ko na siya pinansin at kinausap noon. Hindi pa sana umabot sa puntong ito.

Hindi ko alam kung ano ang totoong relasyon nila ni Seirra. Hindi ko man alam pero ngayon, sigurado akong meron dahil hindi iiyak nang ganun katindi ang kaibigan ko kung wala.

Mas lalo kong binilisan ang mga hakbang ko nang marinig ang pagtawag ni Kester sa akin. Palakas nang palakas ang tawag niya sa pangalan ko.

Napapikit ako bago siya nilingon saglit.

"Uuwi na ako. Bye," kaswal kong paalam na parang walang nangyari kanina. Kumaway pa ako sa kanya bago tumalikod at muling naglakad.

Nagbuga ulit ako nang malalim na hininga. Minsan kasi, mas mabuting tapusin na lang ang isang bagay habang wala pang kahit ano'ng gulo o sakit na naidudulot sa kahit sino.

Lalo na kung maliit pa lang naman iyon at hindi pa nag-uugat. Tatapusin ko na lang ang kung ano'ng meron sa pagitan namin ni Kester... kung meron man.

Drops of Rainfall #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon