Eyes on me
By: GreenCoatedOne week.
Isang linggo na ang nakakalipas. Si Rein na sobrang naiinis dahil kahit anong gawin niya kay Hans ay parang wala man lang itong pakialam.
"Urgh!" Nafu-fustrate na sabi niya sa kaniyang sarili. Nakaupo siya sa ilalim ng puno, walang klase at tama lang para sa kaniya para maka-isip ng gagawin niyang pagpapahirap kay Hans.
"Bakit ba kasi wala kang reaksyon? Kahit anong pangti-trip ko sa'yo parang wala lang sa'yo." Naalala niya 'yong unang araw ng klase. Ngumiti siya kay Hans pero wala man lang itong response.
"Masyado kang mayabang, porket gwapo ka." Inis pa rin na sabi niya.
"Ang ingay naman." Napatayo si Rein dahil sa gulat at nanglalaki ang mata na hinanap 'yong nagsalita. Nilibot niya pero wala siyang makita, dahil alam niyang siya lang ang tao rito. Maliban nalang sa...
"M-multo?" Nanginginig na sabi niya.
"Ang gwapo ko namang multo."
"Hala! Nagsasalitang multo."
"Yeah right!" Sagot na naman nito. Akmang tatakbo na sana siya na may gumalaw sa taas ng puno. Tinignan niya ito pero walang tao, pero laking gulat niya na nasa harapan niya na ito.
"H-Hans, anong ginagawa mo diyan?"
"Nakatayo." Isang malakas na batok ang tumama kay Hans.
"Natural. Ang sinasabi ko, bakit ka nakatayo diyan? Anong ginagawa mo rito?"
"Natutulog at nagising dahil sa ingay mo." Nanlalaki ang matang tumingin si Rein dito. Kung kanina pa siya ay malamang narinig niya ang lahat ng panunumbat nito sa kaniya. Umiling siya sa sarili niya. Kung natutulog siya ay malamang hindi niya maririnig 'yon. Tama! Tama.
"Anong ginagawa mo?" Walang reaksyon niya pa ring tanong kay Rein.
"H-ha? Anong pinagsasabi mo?" Mataray naman nitong sagot.
"Panay ang iling at tango mo. Baka pinagnanasahan mo na ako sa isip mo."
"Asa!" Akmang aalis na si Rein nang hablutin ni Hans ang braso niya.
"Ano ba?!" Malakas na sigaw ni Rein.
Napapunas naman si Hans sa kaniyang mukha bago nagsalita dahilan parang lalong umusok ang ilong ni Rein.
"Magsasalita na nga lang kailangan pang talsikan ako ng laway? Baka may germs 'yan." Nakangisi nitong tanong.
"B-bakla ka ba? Ang arte arte mo naman!"
"If you say so." Natatawang sagot naman ni Hans. Ilang segundo lang ang nakalipas nang magsalita ulit ito, pero ngayon seryoso na siya. Wala na namang reaksyon ang kaniyang mukha.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo," pabalang na sagot naman ni Rein.
"I mean 'yong seryosong pag-uusap. Walang asaran na magaganap." Tinignan naman sa mata ni Rein si Hans. Nagtatanong sa sarili kung anong nakain at bigla nalang siyang kinakausap, samantalang may war pa sa pagitan nilang dalawa. Nag-aalinlangan man ay tumango ito.
"Di-diretsuhin na kita, ayoko ng paligoy-ligoy pa. Puwede bang tulungan mo ako?" tanong ni Hans.
"Tulungan? Kailangan mo pa ba ng tulong ko?"
"Rein naman." Nagulat siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Himala at kilala pala siya ng kumag na ito.
"Psh! Ano na naman kasing tulong 'yan?" Mataray na tanong ni Rein.
"Tulungan mo akong mapalapit kay Tracy."
"A-ano?"
"Tulungan mo akong mapalapit kay Tracy."
"Ano?"
"Tulungan mo akong mapalapit kay Tracy."
"Ano?!"
"Bingi ka ba?"
"Ano na naman ba kasi 'yan? Isang linggo pa lang tayong nagkakilala tapos magpapatulong ka sa akin? Close tayo?"
"Hindi. Pero kas--" Mabilis na pinutol ni Rein ang sasabihin ni Hans.
"End of conversation." Mabilis at walang lingon-lingon na naglakad si Rein pabalik sa classroom nila. Sa katunayan, noong una pa lang na pagkakasabi ni Hans ay hindi na siya naniwala. Dahil alam niyang isa lang din ito sa mga lalaking magaling lang sa umpisa pero kapag na-fall na ay iiwan ka na lang bigla, at ayaw niyang mangyari 'yon sa kaibigan niyang si Tracy. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya rito at ayaw niyang nakikita na masasaktan ang kaibigan niya dahil lang sa isang lalaki.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay 'saka naman ang pagdating ng kanilang professor.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Eyes on me
Teen Fiction[COMPLETED] Isang dalagang kilala at hinahangaan ng nakararami si Rein dahil sa kaniyang itsura, pananamit, pananalita at kilos. Ngunit nagbago ang lahat ng ito nang dumating ang isang lalaking transfree na si Hans. Hindi niya inaasahan na ang pagl...