Hindi ko Sinasadya

419 1 1
                                    

Una ko palang na kilala sayo nabihag mo na ako, ako'y iyong napa-ibig sa ganda ng iyong mga ngiti.
Hanggang dumating ang araw na sinabi mo ang mga katagang
"Pwede bang manligaw" na syang nag palundag ng aking puso.

Ang sabi mo'y hindi mo ako titigilan, hangga't ako'y hindi mo napapasagot at ako nama'y natuwa sa aking narinig,
at dumaan ang mga araw na,
tayo ay laging magkasama,
pati na ang ating mga kaibigan na lagi tayong tinutukso.

Habang tayo'y magkasama ako'y parang di makapag salita at makatingin sa iyo ng matagal dahil ako'y nahihiya na syang nagtulak sa ating mga kaibigan upang tayo ay tuksuhin.

Habang tumatagal loob ko ay lalong nahuhulog sa iyo at ipinakita mong ika'y totoong nagmamahal sa akin, laging hatid sundo, ang nagaganap tuwing matatapos ang klase sa hapon.

Ngunit di ko akalaing darating ang araw na, ako'y mapipikon sa hindi malamang dahilan at ika'y aking na basted at lingid sa aking kaalaman,
Ika'y akin ng nasasaktan at ito'y iyong dinamdam.

Sana ako'y iyong mapatawad sa kasalanang aking nagawa, dahil ika'y aking nasaktan sa hindi sinasadyang masabi sa iyo,
Ang hindi naman dapat.

Ako'y nagsisisi na hindi ko nasabi ang aking nararamdaman sa iyo, umiiwas ka na din sa ating mga kaibigan kaya't ako'y lalong nahirapang sabihin sa iyo, upang ito'y maamin.

Hanggang sa muling pagkakataon na nakita kitang muli,
Paalam na aking mahal.


Poetry: English & TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon