Prologue

340 8 11
                                    

Everything seem so weird...

Naglalakad ako sa hallways. Maraming tao. Lahat sila naka-white. Bigla akong natapilok then suddenly may lalakingt lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba, miss?"

Tinulungan niya akong tumayo. Ang weird nga eh. Siya lang ang naka-red. Tinignan ko siya pero bigla akong nasilaw sa ilaw. Hindi ko tuloy makita ang mukha niya. Saan ba kasi nanggagaling yung ilaw na yun?

"Irene!"

Ha? Sinong tumatawag sa akin? Napalingon tuloy ako. Hindi ko nakita yung tumatawag sa akin. Pagtingin ko ulit sa lalaki, wala na siya.

"Irene! Gising na! Susmaryosep! Male-late ka na!"


Nararamdaman kong ay yumuyugyog sa akin. Pagdilat ko, nasa kwarto pala ako at ginigising na ako ng high blood kong tita. Panaginip lang pala.


Nakikitira lang ako kina tito at tita. Wala na kasi ang mmga parents ko eh. Yung dad ko naaksidente at namatay sa work niya abroad. Si mom naman namatay pagkapanganak sa akin. I never had the chance to see them... maliban na lang sa mga pictures nila. Simula noon, inampon na ako ni tita na kapatid ni mom. Para na rin nila akong anak at parang ate na rin ako ng mga anak nila.

"Dalian mo may observation ka pa sa Camarin High School. 10:30 yun, di ba? 9:30 na oh, nandito ka pa rin? aka matraffic ka pa."

"Ha? 9:30 na po?" Naaligaga ako sa paghahanap ng phone ko. Hay naku! Nakalimutan kong i-set yung alarm! >.<

"Oo nga. 9:30 na. Dalian mo na. Hay naku!"

"Opo, opo. Ito na po."

Nagmadali akong makaalis ng bahay. Hindi na ako nakakain ng almusal. Ano ba yan?!

Ako nga pala si Irene Sanchez. Pwede niyo rin akong tawaging Ayen. Third year education student sa Our Lady of Fatima University. Babad sa pag-aaral kaya heto palaging puyat at palaging aligaga kapag male-late na. Wala eh. Gusto ko lang namang makabawi sa pagpapaaral sa akin ng tito at tita. Meron nga pala kaming observation sa isang high school para sa field study namin. Para siyang OJT. Ganun.

12:00 pm

Haaay... Finally, tapos na rin ang pag-o-observe ko. Nagpaalam na ako sa teacher. Ayos! Pwede na akong pumunta sa OLFU. May pasok pa kasi ako from 1:30 pm to 7:30 pm. Ang lupet ng schedule ko, di ba? Pero sige, keri lang! Hehe

Wew! -___-"

Grabe! Sobrang init ngayong araw na 'to parang summer. Ang sakit sakit tuloy ng ulo. Gutom pa ako. Dinagdagan pa ng matinding traffic. Hay naku! Nakakabadtrip talaga!

Pagbaba ng jeep, agad-agad akong naglakad papasok ng gate ng university na pinapasukan ko. Bigla kong naalala na may ibabalik pa pala akong mga libro sa library. Hala! 1:26 na, 4 minutes na lang darating na yung professor sa classroom namin pero kailangan ko talagang ibalik yung mga books na 'to. Baka magkaroon naman ako ng penalty.

Nagmadali akong maglakad papunta sa SJB Buliding kung saan makikita yung library. Nasa quadrangle na ako. Malapit na ako sa pupuntahan kong building. May nadaanan pa nga akong mga naghaharutan na students.

KA-BLAAAG!!!

"AW!"

Natumba ako. May epal kasi na nakabangga sa akin eh.

"Ay! Sorry, miss. Okay ka lang ba?"


May lalaking tumulong sa para makatayo ako. Naka-red jacket. Ang init-init, naka-jacket? Hmp. Di bale na pogi naman eh. Dinampot niya yung mga nahulog kong gamit. Naramdaman kong mahapdi yung siko at tuhod ko. Nakita kong may sugat iyon. Shocks! My poor flawless skin! O__O

That Guy in Red HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon