Iniwan niya lang ako(OS)

34 0 0
                                    

Nakaupo ako sa buhanginan nakatingin sa pagalon ng tubig sa dagat. Napakarami kong iniisip. Nasa malayong lugar ako ngayon sa lugar na gusto kong mapag isa sa lugar na makakalimutan ko ang mga sakit na naramdaman ko. Mahigit isang oras akong nakatingin sa kawalan. Kruu~

Nakakagutom palang mag isip. Patayo na ko ng pag angat ng ulo ko nabangga ang ilong ko sa dibdib ng isang lalaki. Aray ko !

"Ok ka lang ba, CJ ?" Narinig ko ang pangalan ko. Bakit niya alam ang pangalan ko ? Inangat ko ang ulo ko at si-si Loui. Ang minahal ko ng mahigit isang taon na iniwan lang ako. Bakit siya nandito ? Ako lang ang tao dito.

"CJ" Binanggit niya na naman ang pangalan ko. Umalis ako ng Manila para makalimutan ko ang ginawa niya sakin, pero nandito siya at hindi ko alam kung bakit.

"CJ, iniwan ko si Annie para sayo.." Nagulat ako sa sinabi niya "Sinundan kita dito para sabihin sayo na... ikaw ang mahal ko." Parang lumundag ang puso ko sa narinig ko, pero kahit sabihin niya pa iyan hindi na ako maniniwala.

"Diba sabi mo sa akin 1 buwan na ang nakararaan, 'hindi kita gusto CJ si Annie ang mahal ko'..Umiyak na ako sau noon dahil mahal na mahal kita pero anong ginawa mo ?Iniwan mo lang ako."

"Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Sa tuwing kasama ko si Annie hindi ako nakararamdam ng saya at ng pagmamahal. Hindi ko rin maiwasan na hindi ka isipin. CJ, ikaw pa ang mahal ko."

Dapat natuwa ako sa sinabi niya pero huli na ang lahat Loui, huli na. Pwede ko pa siyang patawarin ngayon pero hindi pa ako handa na magsimula muli. Hindi na mawawala ang lamat na iniwan niya.

"Loui, mahal na mahal pa din kita pero hindi pa ako handa na magsimula uli. Hindi ko makalimutan ang sakit ng nararamdaman ko."

This time, lumuhod siya sa harapan ko at hinalikan ang kamay ko.

"Patawarin mo ako sa ginawa ko. Pangako ko gagawin ko ang lahat upang magtiwala ka ulit sa akin."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagluha. Nararamdaman ko na totoo lahat ng sinasabi niya.

"Loui, mahal na mahal kita at handa kitang patawarin."

Niyakap niya ako ng mahigpit habang tumutulo parin ang mga luha ko. Umupo kaming dalawa sa buhanginan habang nakikinig sa mga alon ng dagat.

"Mahal kita Loui."

"Mahal din kita CJ"

*clap*clap*clap*

"Wow Ma'am CJ ! Ang ganda-ganda naman ng kwento niyo !" sabi ni Iyah habang nginunguya ang marshmallow nia na nakatuhog sa stick.

"O, mga Girl Scouts pumasok na kayo sa kanya kanyang tent niyo at matulog na ok ?" sabi ko.

"Mam Shijey ! Totoo po ba yung story niyo ?" tanung ng cute na si  Yumi.

"Yung iba beybi, pero kasi .....

Iniwan niya lang ako"

*--/-/-/-/-/-/-/-/-/--*

Thanks for reading ! Yung names po o kaya yung mga pangyayari sariling gawa ko po iyon. Baka po kasi may kapareho o something.:)) Vote or Comment po pls.

Iniwan Niya Lang Ako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon