"I Love My Enemy"
*BOINK*
Ohh, wag na kayong magreact. May nahulog lang naman na sapatos sa ulo ko galing second floor.
Teka. HUWAAAAAAAAAAT?!!!!
Sapatos na naman?
Tae, ang yaman naman nun sa sapatos, pinambabato na lang sa akin eh -_-
Oo, tama kayo. May nahuog este NANGLAGLAG na naman ng sapatos sa ulo ko galing sa taas. (So kailangan paulit ulit?)
So ayun nga, pag tingala ko nakita ko na naman ang langhiyang James na yun! Pucha, aga aga badtrip agad ako! Galing manira ng mood ng pesteng nilalang na yun.
Ano na naman bang kailangan ng walanghiyang nilalang na ito? At kelangan may paglaglag ng sapatos? Tapon ko to eh >_<
"Hoy Ashley! Bilisan mo! Pakopya ako sa math!"
Pucha, hudas barabas hestas lahat na na may AS sa dulo!
Yun lang pala kailangan nung unggok na yun, eh bat kelangan pang mangbato ng sapatos. G*go yun ah! Ang sakit kaya! Leche talaga tong hayop na to!
Ay hello nga pala. Ako nga pala si Ashley Muñoz, at ung unggoy na yun? Don't mind him, hindi naman siya importante sa buhay ko eh, isang malaking kalokohan yun! Peste siya, may pesticide ba kayo? Pahingi nga! Okay yun si James Morales. Ung Unggok na yun! Bwisit yun pramis! Lagi na ngang nangongopya sakin nambubully pa!
"Wui Ashley bilis! Pakopya na ako, dadating na si Miss."
"Gumawa ka ng sarili mong homework Mister Morales."
"Grabe ka naman Miss Muñoz, para namang wala kang gusto sakin niyan."
"Ulol! Sinong may sabing may gusto ako sayong hayop ka ha?"
Grabe na ang panggagalaiti ko sa inis sa bwisit na ito! Ako pa ang may gusto sa kanya? Langhaya naman, mamatay na lahat ng kuko ko sa paa, hinding hindi manyayari yun, pero pwede naman diba? Gwapo nmn to, wala nga lang utak -_-
"Sila!"
Pucha! Tinuro nila sila Thalia at Tessa. So yung kambal pa na mga yun ang nagsabi? Saang hukay nila nahukay yun? Saang lupalop ng mundo nila nalaman yun? Nasa google ba yun?
"Hoy, loko kayo! Bakit niyo naman sinabi dito sa unggok na to na may gusto ako sakanya?"
"Hahahaha, siraulo eh, naniwala din naman!"
"Hoy, Tessa watch your words. Susumbong kita kay mommy."