26

2.9K 80 33
                                    

Khyla
"Hey McGregor, You're wasting too much effin time! Pag pabagal-bagal ka paring kumilos ako na ang gagawa ng aksyon!"
Galit na sigaw sakin ni Blake

"Don't you dare, this is our deal. Don't ever touch the elite."

"The fuck McGregor! Wag mong sabihing pinoprotektahan mo sila?!"

"Ofcourse not! Ako ang gagawa ng ikababagsak nila kaya don't fucking interfere okay?"

He scoffs and leave. That guy, tsk

Umalis na din ako at pumasok na ng school. Nang makasalubong ko ang elite, Gulat ang mga ekspresyon nila ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay dumiretso nalang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan ko na sila.

I must hurry.

Kim
Nakasalubong namin si Khyla pero parang wala lang yon sakanya.

Parang wala na talaga siyang pakeelam sa elite.

Habang naglalakad ako papunta sa school field ay di ko napansing may nabangga na pala ako

Hays, agad agad kong tinulungan yung taong nabangga ko sa pag pulot ng mga papel na nahulog. Ibibigay ko na sana sakanya ito nang matigilan ako.

"Sorry m-- Kim?"

"U-uh D-dana."

"Oh? Bakit ka namumutla diyan?" natatawa pa niyang saad.

"A-ah e-eh w-wala! Wala naman."

"Sige, una na ako."

Bago pa siya makaalis ay niyakap ko na agad siya. Bahagya pa itong natigilan pero kalaunan ay ginantihan niya na din ako ng yakap.

"Kim if you hug me this way, I'll hug you even tighter."
Sabi niya at mas humigpit nga ang yakap niya.

"I'm sorry Sungit, Hindi ako nakinig sayo.. I-im sorry wala akong kwenta." I said between my sobs.

"Hey, Don't cry. It's okay hmm?"

"But for me it's not okay... dahil sa pagiging selfish ko nawala sakin si Khyla pati ikaw sungit.."

"Sinong may sabing nawala ako sayo?" Kunot noo niyang sabi. "I'm always here Kim okay? Kahit na anong mangyari i'm always here to support you. Dapat nga ako yung nang hihingi ng sorry diba? Kasi naging duwag ako and i'm really sorry for that."

"D-dana..." Parang batang sabi ko pagkatapos naming maghiwalay ng yakap.

She stares at me, With full of love and sincerity and i feel this whole damn zoo in my stomach. "I love you Kim."

I know wala akong karapatang maging ganito kasaya dahil sa mga nangyayari pero hindi ko maiwasan.

At yun tuluyan nakong pumalahaw ng iyak dahil sa sinabing iyon ni Dana.

"H-hey Kim! Wag kang umiyak diyan! Baka isipin nilang pinapaiyak kita!"

"Pinapaiyak mo naman talaga ako sungit! Huhuhu! I love you too!"

At tumingin ako sakanya at nakita kong nakangiti siya. Pinunasan din niya ang mga luha ko

"Ang payat payat mo na oh! Hindi mo inaalagaan ang sarili mo!"

"Dana i don't deserve to be healthy. Kasalanan ko kung bakit nag iba si Khyla. Kasalanan ko lahat Dana."

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Halika nga dun sa cafeteria!"

Nagpahila nalang ako sakanya dahil naalala ko nanaman si Khyla at lubos nanaman akong nalungkot.

-

Ms.Sungit MEETS Ms.KulitWhere stories live. Discover now