12:30 pm"That's all for today. Class dismiss!"
Napaka-boring talaga ng OM na 'to. Buti nalang at natapos na. Kitang-kita sa mata nang mga ka-klase ko ang antok. Yung iba naman ay nag si-stretching. Habang ang iba ay kakagising lamang. Pagka-labas nang teacher namin, agad namang nag si tayo-an ang mga ka-klase ko.
"San tayo?" Tanong ni Marty. Vacant kasi namin ngayon.
Isa si Marty sa mga kaibigan ko dito sa section namin. Well, isa sya sa dalawang tao na kaibigan ko sa section namin.Yup. You read it right. Dalawa lang ang kaibigan ko dito sa classroom. Not because I'm picky when it comes to people na kinakaibigan ko, hindi ko lang talaga feel ang mga tao dito sa section namin. Ang yayabang. Also, na sanay lang ako sa mukha nang dalawa 'kong kaibigan. I know them since junior high school pa eh and I know their personality na.
"Gawa muna tayo ng draft paper." Sagot ni Marty at kinuha ang kanyang backpack.
Tumungo kami sa library ng school namin. Ako ang umupo sa computer habang si Marty ay nag bibigay ng impormasyon tungkol sa draft paper namin.
"Mali 'tong part na 'to belle" biglang sulpot ni Marty at tinuro sa screen ang mali na ginawa ko.
"Hindi. Ganyang-ganyan yung sa kanila ni Mark eh" sagot ko at muling binasa ang papel ng kaklase namin na si Mark. Pinag-babasehan kasi namin yung paper nila.
" Tingnan mo 'tong notes ni Sir oh! Ito yung tama"
"Si Mark pa ba yung pagdududahan natin? Girl, top 1 na 'to oh!"
"Aba! Dahil kanino ba sya naging top 1? Diba dahil sa Research teacher natin?"
Patuloy ang pag babatihan namin ni Marty. Dito pa ata tatapos ang pagkaibigan namin sa paper na 'to. Kaloka.
"Excuse me, kindly bring yourselves outside the library." Natigilan kami ni Marty. Geez ang ingay na pala namin. Tiningnan kami ng librarian mula ulo hanggang paa. "Kababaeng tao kelalaking bunganga" dagdag pa nito.
Agad naman kaming lumabas ng library. Habang naglalakad, pinag-isipan namin kung saan kami pwedeng gumawa ng paper namin. Ito kasing si Marty eh ang laki ng bunganga.
"Ikaw kasi eh! Ang ingay mo. Yan tuloy pinalabas tayo huhu." Simula ni Marty. Tiningnan ko sya at binigyan ng what-the-heck-look.
"Huh. Ba't ako? Ikaw ang nag simulang mag ingay dun eh." Sagot ko naman at patuloy na nag lakad. Habang si Marty ay nakasunod lang likod ko.
Palabas kami ngayon ng school. Dalawa naman ang library namin dito sa school kaso ni-renovate pa yung main library.
"So saan na tayo gagawa?" Tanong ko.
"Ohiro" sagot naman ni Marty. Hindi ko alam kung seryoso ba sya o nagbibiro.
" Seriously?" Paano kami gagawa ng paper doon eh ang ingay ingay dun. Very crowded pa nang place and sa pag-kaalam ko ay puro lalaki ang mga tao dun.
"May choice pa ba tayo girl? Bukas na deadline nun!" Kita sa mata ni Marty ang alala baka hindi namin matapos ang paper namin. Main subject pa naman 'to.
