KAILAN PA

37 2 1
                                    

Kailan pa

Faye's POV

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa lamesa upang i-check kung anong oras na pero nakuha ng isang mensahe galing kay Cyrus Ang atensyon ko.

Love:
Good morning,love. Happy Anniversary! Kitakits nalang sa park mamaya, 5:00 pm.
Have a nice day! I love you.

What the? Oo nga pala! Hays, nakalimutan ko na sa sobrang busy ko.

Faye:
Happy Anniversary, baka ma-late ako, may practice kami ng festival dance.

Nag reply ako at agad naligo para hindi na maghintay ang mga group mates ko.

-Practice

"Oh, nasa'n si Mae? Bat hindi mo kasama?"Tanong ni Shane,leader namin.

"Ewan ko. Hindi dumaan samin,eh. Di rin nag-text." Sagot ko habang sinusubukang tawagan si Mae pero out of coverage area.

-5:00 pm

Ngayon lang kami natapos. Hays,kapagod. Agad akong nag hanap ng sasakyan para makapunta na sa park pero wala kaya naglakad nalang ako.

"Aw. Late na ako ng 30 minutes." Bulong ko sa sarili ko ng makita ang oras.

Habang malayo pa ay inihanda ko na Ang regalo ko para kay Cy,yung wrist watch na matagal na nyang gusto.

Parang nanghina ang tuhod ko sa aking nakita.

Yeah. I saw my boyfriend kissing my bestfriend. Kitang kita ko kung paano naglaro ang dila ni Cyrus sa bibig ni Mae. Kumawala ang dalawa ng maubusan ng hininga at nanlaki ang mata ng makita ako sa harapan nila.

"Kailan pa?" Malamig kong tanong sa kanila.

"F-faye.." wika ni Mae na hindi maipinta ang mukha sa sobrang hiya.

Nilingon ko si Cyrus na hindi malaman ang gagawin,hindi makatingin sa'kin. Binigay ko ang regalo ko. "HAPPY ANNIVERSARY." at Saka ako tumalikod,umalis at iniwan silang tulala.

Umalis agad ako sa harapan nila bago pa tumulo ang aking luha, bago pa nila makita kung gaano ako kahina, bago pa nila mapagtanto kung gaano ako katanga at hindi ko nahalata.

-----
OMG! Itutuloy ko pa ba ito?

Kailan Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon