Hi I'm 18

4 0 0
                                    

"Shunginamels naman late na akoooo" Frustated kong usal habang palabas ng kwarto. "Pa! asan ka? Hatid mo na ako! Pa!" sigaw ko " Sabado ngayon ah? bat may pasok ka? nagtatakang tanong ni papa

"Nstp namin ngayon" Sabi ko nalang sabay labas ng Bahay "Dito na kita sa labas hihintayin bilisan mo ha" sigaw ko, after 20 minutes na byahe ay nakarating na rin ako sa school first day kong pumasok sa Nstp at kinakabahan ako.. "Mag text ka nalang kung mag papasundo ka sakin mamaya ha" sambit ni papa pagbaba ko ng motor "Okay po"sabi ko nalang

dire-diretso akong naglakad papasok ng gym.
"Manong guard san po ang L008??" Tanong ko sa guard na nakatayo sa gilid ng entrance " sa kaliwa pangatlo" " ah sige po salamat" nag bow ako sabay lakad papasok, Sinunod ko ang sinabi ni manong guard nag kaliwa nga ako at hinanap ang pangatlong klase sa bleachers.

bale, Ganito ang set-up lahat ng Cwts students ay sa Bleachers ng Gym mag kaklase at ang mga Rotc students naman ay sa Field. malawak kasi tong gym kaya kasya lahat ng estudyante

umupo ako sa gilid at tahimik na kinuha ang phone, nag take ako ng pictures hahaha Pang Myday din kasi. #FirstdayofNstpClass " miss excuse me, May nakaupo ba dito?" napalingon ako sa taong kumuhit sakin "Ah wala ate vacant yan" ngumiti naman sya sakin at saka umupo

" Nandito na ba yung Prof. natin?" tanong nya sakin, Tinago ko naman na muna yung phone ko sa bag at saka sya sinagot " ah hindi ko po alam halos kadarating ko lang rin po." Sabi ko nalang "ah okay, ako nga pala si Mariz" pagpapakilala nya sakin sabay lahad ng kamay, Nahiya naman akong hindi kunin yung kamay kaya nag pakilala narin ako "Alexandra po" at nakipag shakehands ako sa kanya

ang dami naming napagkwentuhan ni Mariz Kung saan saan na umabot, Nalaman ko na ka department ko pala sya at nagboboard lang sya dito sa Lucena.

" Good morning class L008, Kumpleto na ba kayo??" Tanong ng babaeng medyo chubby siguro sya ang Prof. namin wala namang sumagot kasi hindi pa naman kami halos magkakakilala dito at hindi namin alam kung ilan ba kami sa Klase.

"So Attendance muna tayo, Pakiforward nalang miss ng paper sa katabi mo" Sabi ng prof namin sa nasa unahang babae. " I am Mrs Maricar Hidalgo and I will be your professor in National Service Training Program or NSTP" Wala namang nagtangkang sumagot samin lahat nakikinig lang kay Maam Hidalgo

"So Getting To know Each Other muna tayo. Habang nag attendance yung iba itong mga nasa unahan ay mag papakilala na, So sisimulan ko na ang pagpapakilala, As I said earlier I am Mrs. Maricar Hidalgo from the Department of College of International Hospitality and Tourism Management. Tinuturuan ko yung mga Makukulit na Tourism students, Taas nga ang kamay ng mga tourism dito hahaha " nakitaas naman ng kamay si Mariz. Natapos magpakilala si Ma'am at nag umpisa na ngang mag pakilala sa Unahan.

"Alex oh, mag Attendance kana" Kinuha ko naman kay Mariz yung attemdance sheet habang nag Pi-fill up ako May naka attract na name sa mata ko. yeah' o.a na kung o.a pero na attract talaga ako sa name na yun

Great Ian Detorres

ipinasa ko na yung attendance sheet sa katabi ko at nakinig na lamang sa mga nagpapakilala

"I am Great Ian Detorres From College of Business and Accountacy, Freshmen" Sabi nya sabay upo.   "wait ilang taon kana?" out of curiousity tinanong ko sya and nakakahiya mang isipin pero nakatingin na sakin lahat ang mga kaklase ko. kainin mo na ako lupa T.T

Hindi nya ako pinansin o kaya nilingon manlang tss. Snobber -.- nagpatuloy na ulit ang pagpapakilala hanggang sa ako na " Hello Everyone, My name is Alexandra Louise Guidotti from College of International Hospitality and Tourism Management taking up Bachelor of Science in Hospitality Management major in Cruise management, 18 and Fresh" sabi ko sabay upo tawanan naman yung mga nakarinig sakin .. pati ako natawa sa sinabi ko hahahaha :)

kasunod na nag pakilala si Mariz " Im Mariz Regondolla from CIHTM department" lumingon ako sa kanya at tinitigan sya "Why?" Inosente nyang usal " why ka jan?, Bakit ang unti ng pagpapakilala mo" "Ayokong mag bigay ng information masyado hahaha baka maging sikat ako" Pinalo ko nalang sya sa balikat sya Hahaha " Assumerang palaka" sabi ko nalang

Natapos ang Pagpapakilala at nalaman namin na 87 pala kaming lahat like Duh? Ang dami hahaha

Nagkwento lang si Maam Hidalgo about sa mga past students nya dito sa Nstp at Nag share lang sya ng kung ano anong mga kalokohan nya daw noong panahon na napasok pa sya.. hindi rin nag tagal ay dinismiss nya narin kami .. " Grabe 3hrs tayong nakaupo ang sakit ng Pwet ko T.T" Nag iinarteng usal ni Mariz "Buti nga yung sayo may pakiramdam pa eh, yung sakin manhid na"

Inaya ako ni Mariz papuntang Sm, doon na daw kami mag tanghalian since 10:30 narin naman daw " Wala akong pera balakajan" Sabi ko kahit meron hahaha "hyss oo na Ililibre na kita samahan mo lang akong kumain, alam mo namang mag isa lang ako sa bahay" "hahahaha Mission Succeed!" Sigaw ko sabay taas pa ng kamay ko . nag lalakad na kami papasok ng sm at dahil di pa naman kami ganoon ka gutom dumiretso kami sa arcade center.

"Ako na ang Bibili ng token,Hintayin moko dito" pagpiprisinta ko. "Opo mama" Sagot nya sakin na parang bata hahaha, unang araw palang naming nagkakilala ni Mariz pero magaan na agad ang loob namin sa isa't-isa

Sana maging kaibigan ko syang tunay.

Mayroon naman akong kaibigan at bestfriend ko sya since first year highschool his name was Gid, 7 years na kaming mag kaibigan online Oo kaibigan ko sya online, lahat ng problema,saya at lungkot na nararamdaman ko sa kanya ko shine-share hindi pa kami nagkikita personally dahil wala pang kakataon taga Manila sya while ako naman taga dito sa Quezon Province.

"Hi Im 18" nagulat ako sa lalaking bigla nalang sumulpot sa tagiliran ko, Nakahanay ako dito sa counter para bumili ng token.

"Huh?" matangkad na lalaki sya, Maputi at may hitsura Hindi ko masabi kung gwapo ba sya o cute pwede bang Both??hahaha

nakatitig lang sya sakin habang ako nakatunganga sa kanya "Teka sandali, hindi kita kilala Sino kaba ??"

" Ikaw na" sabi nya "Anong ako na?" naguguluhan ako sa kanya "Ikaw na ang--" hindi ko na sya pinatapos kasi kinakabahan ako sa kanya baka mamaya hini-hypnotized nya ako titig na titig kasi sya sa mata ko "Teka Hindi, Hindi ako pwedeng maging girlfriend ng sino man magagalit ang Gid ko. sorry" usal ko sabay bow

naglakad ako papuntang counter hindi ko alam na ako na pala ang next sheytt nakakahiya .. Sorry Gid nagamit pa kita

"100 pesos miss" usal ko sabay abot ng pera,inabot naman agad sakin nung kahera yung mga tokens kaya agad kong kinuha iyon napansin kong nakatayo parin dun yung lalaki kaya nag-ala-ala nalang akong hindi ko sya napansin nilagpasan ko sya at patakbong pumunta kay Mariz.

"ang tagal mo naman"sambit nya sakin pero diko nalang sinagot ang sinabi nya dumiretso ako sa basketball station ,naghulog ako ng dalawang token at naki share naman sa laro ko si Mariz kaya para kaming tangang dalawa na shoot ng shoot ng bola sa ring. "Psst. Alex si Detorres ba yun??" sabi nya kaya napalingon ako "sino?" tanong ko

" Yung classmate natin sa Nstp yung sinabihan mo ng kung ilang taon na sya, alam ko Detorres ang last name nya ee" hinanap ko naman yung sinasabi nya at napagtanto ko na "Hi Im 18" WHAT THE CHOCO FUDGE! nakakahiya!!


*black_reaperwp

Be mine Alexandra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon