Siya ang matalik kong kaibigan at kilala ko na siya simula nang kami’y maliliit pa. Alam niya lahat nang aking sekreto at gayon din siya sa akin. Mahal ko siya hindi lamang dahil maganda siya at matalino kundi pati kung paano niya pagtawanan ang lahat ng bagay at kung paano niya tingnan ang buhay ng may pagmamahal.
Natatandaan ko pa noong unang pagkakataon na kami’y nagkakilala; limang taon pa lang ako noon.
Isang maaliwalas at mahanging hapon at wala akong makalaro. Ang kaisa isa kong kaibigang si Troy ay lumipat ng tirahan sa kabilang bayan dahil na Promote ang kanyang Tatay. Umakyat ako sa aming tree house at doon ay napansin ko ang isang malaking truck na paparating kasunod ang isang kotse. Tumigil iyon sa isang bakanteng bahay sa tapat namin at doon ay bumaba ang isang pamilya. Ilalayo ko na sana ang aking tingin ng biglang lumabas ang isang magandang babae para sa aking paningin. Limang taon pa lang din siya noon subalit kahit sa ganong edad ay maganda na siya. Mahaba ang kulot niyang buhok na umaabot hanggang sa bewang. Maputi siya at mapungay ang mga matang mahahaba ang mga pilik mata.
Patuloy ko silang pinagmamasdan ng biglang napatingin siya sa aming tree house at nakita niya akong nakatingin sa kanya. Magtatago na sana ako ng bigla siyang ngumiti at kumaway. Gumanti ako ng kaway at nagulat nang bigla siyang tumakbo patungo sa aming tree house. Kaya naman tinungo ko ang hagdanan at sinabi.
“Gusto mo umakyat?”
sumagot siya ng..“Pwede?”
Tinulungan ko siyang umakyat at nang marating niya ang itaas ay tumingin siya sa akin sabay sabi nang.
“Ako si Sam. Ano pangalan mo?”
Sumagot ako. “Ako si Christopher, Chris tawag sa akin ni Nanay.” Ngumiti siya at sinabing
“Gusto ko ang pangalan mo..” sabi niya at nilingon ang loob ng tree house at sinabing “Ang linis naman nitong Tree House mo.”
Sumagot ako ng. “Salamat! Ginawa ko ito para tambayan namin ni Troy, dito kami naglalaro, madalas din kami mag bike, siya ang best friend ko kaso lumipat na sila ng tirahan.”
Ngumiti siya at sinabing, “ Andito naman ako, pwede mo rin akong maging best friend, pwede tayong maglaro tulad ng ginagawa nyo ni Troy. Wala pa kasi akong nagiging kaibigan na lalaki kaya gusto kong magkaroon. Matututo akong mag basketball at meron akong bike, pwede tayong mag bike ng maghapon. Okey lang ba sayo yon?”PNgumiti ako at sinabi kong, “OO Okey sa akin iyon.” Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at sinabi. “Ikaw na ngayon ang bago kung bestfriend.”
At iyon na ang simula nang lahat.
Kaya naman naging magkaibigan kami. pero parang kakaiba noong una dahil isa siyang babae at maraming bagay na nag-aalangan akong gawin, tulad ng panghuhuli ng palaka, maligo sa lawa at umakyat sa puno, pero ginawa niya ang lahat para lang mapasaya ako. May pagkakataong nahulog siya sa Bisekleta dahil sa paghabol sa akin noong kami ay nagkakarera at ako ang gumamot sa nasugatan niyang tuhod. Naalala ko pa noong matamaan niya ang bintana ng aming kapitbahay nang naglalaro kami ng baseball at ako ang kumausap kay Mang Lito at nangakong babayaran ang nasira, kahit na ang kapalit nito ay ang isang linggo kung baon sa eskwela.
Naaalala ko pa ang mga sandaling nahulog ako sa puno nang subukan kong sagipin ang isang kuting dahil umiiyak si Sam nang makita itong nakasabit sa isang sanga. Nakipag suntukan na rin ako sa mga malalaking bata nang lokohin nila si Sam at paiyakin nila ito at nagkaroon ako ng malaking black eye at pasang pisngi. Naalala ko pa noong umiiyak si Sam habang nilalagyan niya ng Yelo ang pasa ko sa mukha at mata pagkatapos ay binigyan niya ako ng GET-WELL KISS. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya at ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kanyang maibigan at gustuhin.
Ang lawa ang aming paboritong tambayan. Madalas kaming maligo tuwing sabado at iyon ang aming nakagawian na. Nagbabalot kami ng pagkain at kinakain namin iyon sa ilalim ng puno ng akasya. Merong nakatumbang puno roon na ginawa naming upuan. Doon ay madalas kaming nagkukwentuhan ng aming mga pangarap. Gusto niyang maging ballerina at alam niyang pangarap kong maging Doktor. Hindi niya ako pinagtatawanan sa pangarap ko bagkus ay sinasabi nya pang abutin ko ito. Iyon ang dahilan kong bakit higit ko pa siyang nagustuhan.
BINABASA MO ANG
Send My Love To Heaven
RomancePaano ko nga ba mailalarawan ang babaeng pinakamamahal ko simula pa noong ako'y sampong taon pa lang.. na gusto ko kong paano niya ako pagtawanan sa tuwing ako'y makagagawa ng pagkakamali, kung paano siya ma-badtrip sa walang kwentang bagay at kahit...