Ang maikling storyang ito ay base lamang sa mga guni guni at pakana ng author nawa ay inyong maunawaan ang mga kaekekan na nakalahad sa storyang ito maikli lang sya kasi One Shot nga e xD di pa ako masyadong sanay gumawa ng one shot pero second time ko na ito, pangalawang one shot ko na ito sana ay magustuhan nyo ang storyang ito sensya na pangit lang kung ano lang naisipan ni author e.
PAGSUBOK
©NeverQuitDrawing :)
Copyright@2014
========================================================
Ako si Tristan sabi ng karamihan ipinanganak na daw talaga akong madaldal ,mabait ,palabiro atbp. Natutuwa sa akin ang mga kaibigan at kabarkada ko lagi kasing ako ang nagpapatawa sa grupo kumbaga palabiro ganun. Graduating na ako ng BM(business and management) sa UST. Masayang kasama ang mga kabarkada ko lalo ang isa sa aming mga kabarkada na tanging pinaka nakapagpapasaya sa akin ,sya lang naman si Vanessa ,SYA lng naman ang taong pinakamaMAHAL KO pero hindi ko masabi sabi sa kanya ang nararamdaman ko na MAHAL KO NA SYA MATAGAL NA. Matagal na panahon ko na ding nililihim ang nararamdaman ko sa kanya ayoko kasi na malayo ang loob nya sakin at hindi na kami magpansinan ,baka kasi pag sinabi ko sa kanya na mahal ko sya ay umiwas na lang sya sa akin ayoko nan ng ganon at ayokong magbago ang pagtingin niya sa akin.
=January 16, 2012=
Birthday ng isa sa aming kabarkada simula highschool hanggang ngayong College si Zachniel , niyaya nya kaming pumunta sa bahay nila dahil naghanda daw sila para sa kanyang kaarawan. Nagyaya din itong mag inuman pagkatapos namin makakain ng dinner. Maya maya lang ay lasing na kaming lahat. Nagsimula na akong humirit ng biro, biniro ko si Vanessa.
"Vanessa alam mo ba na... Mahal na Mahal kita?"bigla na lang yan ang aking nasabi ni hindi ko alam ang magiging reaksiyon nya pero nasabi ko lang naman ang mga katagang iyon sa pabirong paraan pero deep inside totoo talaga iyon promise. Ano kayang sasabihin ni Vanessa? wag naman sana syang umalis magwalk out. Tsss-_- bat ko ba kasi nasabi yun antanga ko naman oh!.
Matapos kong sabihin yun ay nagkanyawan at tinukso na kami ng aming mga kabarkada, nagulat naman ang lahat at naagaw ang kanilang atensyon nitong si Vanessa ng biga syang magsalita.
"Mahal din kita...Tristan!" nagulat ako sa sinabi nya at sa loob loob ko naman ay tuwang tuwa ako sa aking narinig na mahal nya rin pala ako totoo ba ito?Pero alam ko na lasing nadin itong si Vanessa.Sisiguraduhin ko pa sana ngunit Hindi na ko nagdalawang isip at hindi narin ako nagtatlong isip na itanong sa kanya na...
"So tayo na??" yan na lang ang nasabi ko.
"Sige. Ikaw ang bahala :)"sabi niya at bigla naman akong nabuhayan ng loob sa sinabi nya parang nawala ang pagkalasing ko sa mga oras na iyon.
Nag siuwian na kaming lahat at dahil lasing na din ang taong mahal ko hinatid ko si Vanessa sa bahay nila. Habang bumibiyahe ay wala kaming kibo sa isa't isa nahihiya pa din ako sa kanya.Nang makarating na kami sa harap ng bahay nila ay pinagbuksan ko sya ng pintuan ng kotse upang makalabas.
"ahh thanks nga pala sa pag hatid :)"
"ah. he-he-he wa-lang anuman"nahihiyang sabi ko buset nauutal pa ako mga mengs :3 tss.
"Bye Tristan ingat sa pag-uwi" sweet nyang sabi at kiniss ako sa chicks.
"ah si-sige bye ingat ka din :)" sabi ko ng medyo nauutal utal pa din e kasi naman bigla akong nag blush sa ginawa nya. Oyy nagbablush din kaming mga lalaki hano kala nyo kayo lang mga babae? hahaha.
BINABASA MO ANG
PAGSUBOK (One Shot)
Short StoryBiro lang pala ang lahat.! </3 -Tristan ©2014 08/18/14