Una, noong una, mahal na mahal at gustong-gusto kita. Ewan nga ba at napagtripan kitang kausapin kahit di kita kayang personalin. Sobrang sayang ko nun, lalo na nung nagreplay ka, nang mabilis pa sa sa lima. Ikalawa, Buwan noong nobyembre at ikalawa, oh di ba? Petsa pa lang pang patay na? Sinagot kita agad nun mahal, kahit hindi ka ganon katagal nanligaw. Ikatlo, tatlong beses akong nabiktima ng mga aktibidad nyo, sobrang sakit lang kasi parang yung panliligaw mo, ay parte rin ng dare nila sayo. Ika-apat, apat na beses tayong nagkaproblema, gayunpaman, hindi ka napapagod na pasiyahin ako sinta, damang-dama ko pa yung bawat Segundo ng pagpapasaya at pagpapatawa mo sa akin sinta. Ika-lima, sobrang sakit lang pero parang eto na ata yung parteng ayaw ko. Sakto ng alas-sinko nung hiwalayan mo ako. Napakasakit dahil ayaw pa kitang bitawan, pero mas mas masakit ata kung may masasaktan sa ating pagmamahalan. Kaya't ayon, sinabihan kitang piliin mo siya habang may type pa ng "tawa" pero alam mo? Sobrang sakit nun sa loob ko, kasi parang hinahayaan kong malayo yung lalaking pinakamamahal ko sa mismong piling ko.