Eishie's POV
"Ay, ano yan? di niyo pa tinuluyan yang babaeng yan! dapat pinatay niyo na! mga tarantada!" Rinig ko agad na sabi ni Irish..
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, as expected siya nga yung nagpabugbog sakin. 2 weeks akong nawala, hindi nakapasok dahil sa pagbugbog, sabunot at sampal sakin last monday, di ako lumaban, hinyaan ko lang silang pagsawaan ako at hinayaan ko na lang yung sarili kong mahimatay. eh sanay na sanay na din naman ako. Hindi din naman ako nasasaktan, kasi walang makakatalo sa sakit nitong nararamdaman ko.
Lumapit ako kay Irish, then agad hinila ang buhok niya para makalapit siya sakin then I slap her, hard as I can. Wala akong pake kung matabingi yang mukha niya, I dont really care.. kasi mukha niya naman yung madadamage at hindi akin. I'm bitch, they say. Then go I show them this bitch.. yes, naki-go with the flow na lang ako.
"HEY YOU!" Inis, galit at gigil na sigaw niya. He's here again, yes again. Lagi niya na lang makikita na ako yung masama.
Hindi ko siya nilingon, why would I? eh tinawag niya lang naman ako. Nasa akin yun kung lilingunin ko siya o hindi. Wala pang masyadong tao sa room well ako si Irish pati yung mga alalay niya lang at pati siya yung nasa room, maaga pa eh. Wait wait! ako lang pala yung tao dito, hindi nga pala sila tao.
I pretend na wala akong narinig diretsyo lang ako sa upuan ko sabay salpak ng earphone na wala naman tumutunog at pumikit. Kasi gusto ko marinig yung kasinungalingan ni Irish pati yung katangahan niya kasi maniniwala na naman siya kay Irish.
"Anong nangyari? bakit ka niya sinampal?" nag aalalang tanong niya kay Irish, he can't even say my name... why? cause he really hates me.
"I-i don't know, Ethan..I j-just want to greet h-her th-then she slaps me... huhu" well pwede na siyang maging artista, wala akong narinig na sagot niya,ni Ethan.. siguro lumabas na sila kasi narinig kong tumunog yung pinto.
Timing walang profesor. Oo, naka pikit ako.. ayaw ko kasing makita sila.. ayoko na makita si Ethan na nag alala kay Irish, ayokong makita, ayoko. Napamulat na lang ako nung naramdaman kong may huminga sa mukha ko.
"AY PAPA!" ganiyan ako magulat, I dont really know why.. And I dont really know kung bakit napakalapit ng mukha ni Ethan at nakikipag face to face sakin. Nakita ko yung mata niya, nakita ko yung galit, nakita ko yung pandidiri, nakita ko yung panghihinayang niya na naging kami pa.
Tumayo na lang ako. Hindi ko kaya, baka pag nag stay pa ko sa pakipag mukha sa mukha sa kaniya, ay bigla ko na lang siyang yakapin at magmakaawa sa kaniya na maging kami na lang ulit.
"Why did you slap her?" nagpipigil siya ng galit base sa tono ng pananalita niya. Hindi ko siya pinansin, sinukbit ko na lang yung bag ko at naglakad ng mabilis pero agad niyang hinawakan ng mahigpit yung wrist ko.
At tinanggal niya ng marahas yung earphone sa tenga ko.
"I.AM. ASKING. WHY. DID. YOU. SLAP. HER?!" Galit na galit na siya, nakita ko yung mata niya namumula na, namumula sa galit.
So he loves her?
"Pake mo? I am bitch! and thats how I greet back!" bakit ko pa sasabihin yung totoo? pagod na din kasi ako.. at hindi niya rin naman ako paniniwalaan.