I scroll my newsfeed until I saw na post ng isang girl at nakita ko ang kababata ko.
Nasiyahan ako sa nakita ko at ngayon isa na siyang idol.
Tekaaaaaaa!
Ako nga pala si Erika Maree Rivera at ako ay 20, nag aaral ng culinary arts at may kaibigan akong half korean. Siya si Jisoo Park at mas kilala siya bilang 'Andrei'
Si Andrei ay isang matalik kong kaibigan. Lagi niya ako sinosupportahan sa lahat ng bagay katulad ng pag checheerdance ko.
Sa cheerdance lagi niya akong chini-cheer kahit na magkaiba kami ng team. Ansaya magkaroon ng kaibigan na sobrang supportive noh?
Sa sobrang tagal na naming di nagkikita siguro di niya na ako maaalala :((
Sa sobrang sikat niya maalala niya pa ba ako?
Antagal ko na rin siyang hinintay na makabalik ng pilipinas galing korea dahil sa business ng magulang niya at inisip ko nalang na baka mas gusto ng magulang niya na dun siya lumaki, pero di man lang niya ako pinapadalhan ng sulat :(
Makalipas ang ilang buwan....
May nag padala ng isang sulat at nakita ko ay ang pangalan ng kaibigan ko perooooo... di si Andrei yun.
Binasa ko ito at nagulat ako sa kanyang mga sulat.
Dear Erika,
Naalala mo pa ba ako? Ako ito si Maejhoy. Kamusta na si Andrei? Balita ko sikat na siya ah. Namimiss na kita kaya naisipan ko ng magsulat ng para sayo. Alam mo kahit babaliw- baliw ka Mahal na mahal kitaaaa . Tawagan mo nalang ako sa numerong eto ########### at sana pagsapit ng birthday mo nanjan ako. Advance Happy birthday. I love you.
Nagmamahal,
Maejhoy <3Naiyak ako sa kanyang sulat at the same time ay masaya rin ako dahil may nakakaalala pa ng birthday ko.
Busy sa trabaho mama at papa ko at wala rin akong kapatid. Sanay na rin akong nasa bahay kasama si Manang.
Tok tok tok.... tunog ng katok sa pinto ng aking kwarto.
Agad ko rin itong binuksan at nakita ko si manang.
" iha, bumaba ka na at kumain ng hapunan, naipaghain na rin kita at napaglutuan ng paborito mong sinigang," tuwang sabi ni manang
" Opo, baba na rin po ako may aayusin lang po akong gamit" sagot ko habang nakangiti
" osya, wag ka magpapatagal, masamang ipinaghihintay ang pagkain"
"Opo" pagalang kong sagot
Bumaba na ako ng hagdanan at nakita ko ang mommy ko.
"Mommy....." sabi ko habang niyayakap si mommy.
"How's your day anak?" Tanong ni mommy.
"Masaya po, pinadalhan po kasi ako ni maejhoy ng sulat" sabi ko habang nakangiti
Naglakad kami ni mommy papuntang lamesa at kumain.
Pagkatapos kumain ay nag linis ako ng katawan at natulog.
Salamat po sa pagbabasa. Sana masupportahan niyo po ang kwentong ito. :)
YOU ARE READING
Do I know you?
RandomSana nga kilala moko..... Sana kilala mo pa ako. Sa dami ng tao sa mundo bat ako pa nakalimutan mo? :((