3.14159

9 2 0
                                    


Noong unang beses kitang nakita, alam ko na

Alam ko nang malabong maging kaibigan kita.

Sa mukha mong sobrang gwapo at matikas na tindig,

Halos lahat ng babaeng makikita ka'y kinikilig.


Hindi ko na lang masyadong pinansin,

Mas bata ka rin naman kasi sakin.

Itinuon ko na lang sa iba ang aking attention

Ayoko rin naman kasi ng distraction


Isang gabing tahimik at malamig,

Biglang nagbago ang ikot ng daigdig.

Tila tayong dalawa at pilit pinaglalapit,

Dahil sa kaibigan kong pinararanas mo ng pait.


Alam ko na ang ugali mo,

Ang isip mo ay madalas na pabago-bago.

Ako ang naging sandigan ng aking kaibigan,

Laban sa iyong mga kagaguhan.


Alam ko lahat ng pinagdadaanan niya

Kaya ang pasensiya ko sayo ay naubos na.

Hindi ko na napigilang komprontahin ka,

Pagkat kahit ako'y nagagalit na.


Nilabas ko lahat ng saloobin ko sayo,

Kapalit nun ay ang iyong kwento.

Pakiramdam mo'y lahat ay galit sa ugali mo

Yun ang nagpabago ng pagtingin ko sayo.


Alam ko na ang nararamdaman mo.

Hindi mo maramdamang may nagpapahalaga sayo.

Hindi ko maipaliwanag pero,

Gusto kong ako ang magparamdam nun sa iyo.


Pinilit kong maging kaibigan mo,

Sinikap kong makuha ang tiwala mo.

Naging mailap ka man noong una,

Sa huli naman ay bumigay ka na.


Gabi-gabi, kausap kita,

Kakuwentuhan at kaasaran.

Tayo nga ay naging malapit na,

Kasabay ang pagtindi ng aking nararamdaman.


Hindi ko kayang tanggapin ang mga naging pagbabago sa akin,

Ngayong ika'y tila nagugustuhan ko na rin.

Nakalimutan kong ika'y minamahal ng aking kaibigan,

At ang lahat ng ito ay maaaring panandalian lamang.


Pinilit kong pigilan ang lahat ng aking nararamdaman,

Para sayo at sa aking kaibigan.

Pinilit kong itago sa lahat ang aking nararamdaman,

Dahil nangako akong hindi kita iiwan.


Sa kabila ng lahat, nalaman pa rin niya.

Malaki ang naging problema.

Hindi ko man ginusto pero nasasaktan na siya,

Hiniling nya na ika'y layuan ko na.


Ayoko mang gawin ngunit kailangan,

Alang-alang sa aming pagkakaibigan.

Pinilit kong ikaw ay layuan,

Pinilit kong iba ang aking magustuhan.


Ilang linggo ang nakalipas,

Akala ko'y nawala na rin sa wakas

Ang nararamdaman kong akala ko ay wagas

Inakala ko ring tuluyan nang kumupas.


Ngunit nang muli kitang makita,

Napatunayan kong ako'y nagkamali nga.

Ang lahat ng iyon ay akala lang pala,

Pagkat ikaw pa rin pala talaga.


Siguro ay may alam ka na,

Kung bakit kinailangang iwasan kita

Kung bakit kailangang lumayo pa

Kung bakit ika'y iniwan na.


Ang lahat ng iyon ay para sa kanya,

Dahil alam kong kayo ang para sa isa't isa.

Alam kong sa kanya ka mas masaya,

Alam kong mas kailangan mo siya.


At ngayon ay alam mo na nga,

Nalaman mo ang itinago kong paghanga.

Noong una ay hindi ka pa makapaniwala,

Sana nga iyon ay maling akala.


Pinagtatagpo na naman tayo.

Talagang walang hiya si Kupido.

Paulit-ulit naman ang nangyayaring gulo,

At ako na naman ang naiipit sa dulo.


Para tayong nasa isang bilog

Walang katapusan ang pag-inog.

At ako ay unti-unting napapagod,

Sa pag-intindi sa utak mong parang sabog.


Paano ba ako makakawala sa gulong ito?

Ang gusto ko lang naman ay magpakatino.

Ang laki naman kasi ng dala mong gulo,

Na pati puso't isip ko'y idinamay mo.


POEMS (Poetry Opens Everyone's Mind Successfully)Where stories live. Discover now