I love you Dame, but , "
"Mahal na mahal rin naman kita Shane at alam mo yun! " putol niya sa sinabi ko.
Pero bakit ganon? It feels like it is just so hard na bumitaw ng ganoong klaseng salita? I am losing interest from all of these things . Nasasaktan ako dahil hindi ko na ma feel ang bawat salitang binibitawan ko. Wala ng meaning para sakin. At sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon naming ito.
"Kaya please, wag mo naman akong iwan Shane, paano na ako? Paano na tayo? Iyong mga pangarap natin na sabay nating aabutin . May nagawa ba ako na ikinagalit mo? Tell me ,please. "
Hinagod niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Nakayuko lamang ako sapagkat ayokong makita na nasasaktan ko siya ng sobra. Ayokong makita ang bawat pagbagsak ng kanyang mga luha.Ang selfish ko,alam ko yun. At galit ako sa sarili ko sa ginagawa ko sa kanya.
" Patawad ,Dame, ginawa ko ang lahat upang mahalin ka . Ngunit wala e, nahihirapan na akong mag-pretend sa iyo. Hindi na ako masaya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Humakbang siya at itinuon ang tingin sa mga paa.
"Hindi ko alam na nahihirapan ka na pala sa atin. Hindi ko alam na kahit kaya kong gawin ang lahat para sa iyo ,hindi pa rin pala okay . Hindi ko alam na hindi ka na pala masaya.
Wala na ba talagang pag-asa ?" wala. " tugon ko . Hindi niya deserve ang ganito , hindi ako deserving sa pagmamahal niya. Hindi namin deserve ang isat-isa.
"Sana kahit anong mangyari ,huwag mong kakalimutan ang lahat .Hindi man tayo sa huli sana hindi ka magbago . Siguro kaya tayo pinagtagpo para maturuan tayo kung paano ang magmahal at mag let go na walang naiiwanan. Kung paano mo ako napasaya ay hinding -Hindi ko pinagsisihan . Dame, paalam ."
For the last time I felt his lips met mine ,pero wala na akong maramdaman. Wala na yung excitement, yung kilig at mga paro paro na tila nagliliparan sa tiyan ko tuwing hinahalikan niya ako . Manhid na ata ako.
Tinalikuran niya ako nagsimulang maglakad,palayo sa akin. Palayo sa sakit na dala ko sa kanya.
Hindi ko alam kailan nagsimula ,basta nagising na lang ako na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pasensya kung sasaktan kita . Pero alam ko na mas masasaktan kita pag ipapatuloy natin ito kahit wala ng pag-asa. Kung pwede lang turuan ang puso kung sino ang mamahalin ,ay ginawa ko na.
-Paalam
.