Belle: Hindi na kita mahal!
Coby: Ano yan lang ang masasabi mo? Apat na salita na may pitong pantig!? mawawala ang lahat!? Lahat ng pinagsamahan natin? Mawawala lang lahat? Itatapon mo pati ang mga alala natin, kung paano ako nanligaw sayo! Tiniis kong hindi kumain ng lunch makabili lang ng one dozen of red roses at isang teddy bear para lang sayo. Kasi ayaw ko ng humingi ng pera kay mommy. Kinakabahan pa akong magpunta sa room nyo kasi baka hindi mo ako sagutin! Pero hinarap ko yung takot na yun at inamin ko sayo ang nararamdaman ko. October 7 yan ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko DAHIL SINAGOT MO AKO. Naalala mo yung first date natin? 10 pesos na fishball at 10 pesos na palamig ang kinain natin. Okay lang kasi share naman tayo. Tapos naaalala mo nung birthday ng papa mo tapos ni-invite mo ako, hindi ako makapasok sa inyo kasi baka masungit ang tatay mo. Pero hinawakan mo kamay ko at sabi mo "wag ka mahiya"' At yun din ang time na ipinakilala mo ako sa daddy at mommy mo. Dun ko na realized na mahal mo talaga ako. Tapos dati tinakas ko pa yung bike ni Mang kanor para sunduin ka kasi gusto ko magsimba tayo. Naaalala mo ba? Nangako ako dun sa simbahan na dun kita papakasalan. Tapos nung pag uwi natin galit na galit si Mang Kanor kasi may pupuntahan daw siya at hindi sya nakapunta. Ang saya natin noon, at noong first monthsary natin pinakilala na kita sa parents ko. Hiyang-hiya ka pa nga noon kasi sabi mo baka hindi ka magustuhan ng parents ko, pero sabi ko sayo maganda ka at matalino, mabait lahat na yata na sayo. Napangiti ka nalang , sabi mo pa " okay lang ba damit ko?" ngumiti na lang ako pag-pasok natin sa bahay sabi ni papa " ikaw pala si Belle, magandang bata, alam mo lagi kang bukang bibig nitong si Coby" siniko mo ko sa sikmura sabay bulong " ikaw ha" at nakita mo si mama na may dalang juice sabi mo "tulungan na po kita" napangiti si mama sabay sabi "ang bait mo samahan mo ako sa kitchen gawa tayo ng meryenda" sumama ka kay mama at ako naman naiwan habang kausap si papa sabi nya " kailan mo sya papakasalan" sabi pa ni papa "gusto ko sya para saiyo" napangiti nalang ako naalala mo pa ba yun? itatapon mo ba lahat yun? ano ba ang nagawa ko? ano bang mali ko?
Belle: hindi ko rin alam kung bakit! hindi ko alam!
Coby: may iba ba?
Belle: sorry Coby na-inlove ako kay Kent
Coby: kay Kent? sa bestfriend ko? sa bestfriend ko pa talaga?
Belle: sorry Coby.. hindi mo rin ako masisisi nitong mga nagdaang mga buwan nanlalamig ka, kaya ka pala nanlalamig dahil may iba kang pinag-iinitan! At si Kent ang nandiyan paradamayan ako!
Coby: anong pinagsasabi mo?
Belle: wag ka ng magsinungaling! 8 monthsary narin nun sabi mo papasok ka nun kaya next day nalang tayo mag-celebrate pero pumunta ko sa room nyo pero wala ka dun! sab ng classmate mo kasama mo si Ella pumunta kayong motel! si Ella na ex mo! at sa motel! pero hindi ko yun pinansin, kasi sabi ko mahal mo ako at hindi mo ako magagawang saktan! at apat na buwan pa akong nag-tiis! akala ko pag-pinatawad kita magbabago ka na pero hindi! mas lalo mo lang akong nasaktan! hindi ko na kaya!
Coby: Belle patawarin mo ako
Belle: pasensya na Coby hindi na kita mahal..:Guys kung nagustuhan nyo yung story at gusto nyo pa ng kasunod just comment down bellow.
BINABASA MO ANG
Letting You Go
Historia Cortashort story tungkol sa sa isang napakagulong pag iibigan. Kayo na ang bahalang umalam kung tungkol saan ang kwentong ito. HOPE YOU ALL LIKE IT