Nakaupo kaming dalawa sa loob ng ice cream-an, his treat. Hello? Wala nga akong pera diba? Sinilip ko ulit ang wrist watch ko, it's already 11 pm. Mukha namang mabuting tao si—
"A-Ano nga ulit pangalan mo?" Medyo naiilang na tanong ko, haist. Tatanga-tanga nanaman ako, tanga nanaman si Anastasia.
"Spade, Matthew Spade Madrigal." Napangiti ako, ganda ng pangalan... para sakin.
"A-Ahh sorry Spade ah, nalimutan ko eh." Bumuntong hininga ako at tumitig sa labas total naka-full glass naman ang store. May iilang sasakyan ang dumaraan.
"Ayos lang, Anastasia diba?" Tumango ako. "Ana," mahina siyang tumawa.
"A-Ana? Ano ka ba, Tasha nalang. Ang chiki kapag Ana pa noh." Umiling ako at medyo natatawa pa.
"Tss hindi ah, ang ganda kaya." Umirap ako at humarap kay Spade.
"Spade? Ano nga pala ang naisipan mo, bakit mo ko kinausap. Are you insane?" May pagkaseryoso ang boses ko.
"Psh, eto naman. Insane agad? Nagtataka lang ako, bakit may matinong babae ang nakaupo sa gutter." Tumawa ulit siya. Baliw? What's funny?
"Haynako, ano ba naman kasi ang pakialam mo diba..." Napayuko ako at ngumiti ng tipid.
"May concern ako noh, may kapatid ako na dalawang babae. Ayaw kong inaalipusta o nahihirapan ang mga kababaihan. Mas lalong ayaw kong nasasaktan o nababalot sa kalungkutan." Napangiti ako, sana ganito nalang si Andrew noh? Sana...
"Hay, sana lahat katulad mo Spade..." Napalingon siya sakin.
"Bakit?" Simpleng tanong niya pero ang daming sagot na gusto kong sabihin pero hindi puwede.
'Bakit, Spade? Sana lahat katulad mo... yung nay pagpapahalaga sa'kin, may pakialam maski hindi mo'ko kilala. Ayaw mong nakikita akong nasasaktan at nahihirapan. Sana si Spade nalang si Andrew, sana ikaw nalang minahal ko.'
"A-Ahh wala naman, mukha kasing masaya ang mundo kapag lahat ng lalaki kagaya mo eh." Tumawa ako para pagaanin ang usapan, pati ang emosyon ko.
"Ano nga palang ginagawa mo roon sa labas ng subdivision? Bakit nagdadrama ka yata kanina?" Napaiwas nanaman ako ng tingin.
"Ah eh, f-family problem lang." Ngumiti ako ng matamis, para pagtakpan nanaman.
Gawain mo naman 'yan Tasha, diba?
"Aww, kapag willing kang ikuwento... handa makinig si Spade." Napangiti ako.
Salamat, Spade.
"Ahh, saan ka nakatira Spade?" Ay putik. Bat mo tinanong 'yan Tasha? Pupunta ka? Pupunta ka? Ha?
"Ahh mga thirty minutes pa byahe ko, may motor naman ako." Malayo-layo kaya? Gash— erase erase.
"Ah okay."
"Ikaw? Malayo ba ang bahay mo? Hahatid kita sa inyo, gabi na kasi Ana." Umiling ako.
"Kung saang subdivision mo ako nakita, doon lang ang bahay namin, sa loob ng subdi na 'yon." Mukha ba siyang namamangha? O nabubulag lang ako?
"Mayaman ka pala," aniya pa. Napakunot ang noo ko. "Ang gaganda ng bahay dun ah? Mamahalin pa." Umiling ako.
"Hindi naman kami mayaman," umiling din siya.
"Wag mo na itanggi, pero kahit na mayaman na kayo... God bless pa rin." Nginitian niya ako. "Ilagay mo si God sa puso mo, okay?" Parang nahihiya ako kahit na hinahangaan ko na siy ng husto, napakabait.
Nakakahiya na pinakyuhan ko siya kanina, omg. Nakakahiya ka talaga Anastasia.
"Hehe. Tatandaan ko yan." Ngumiti nalang ako, sana di niya naaalala.
"Kung may problemang pampamilya ka man, ipagdasal mo lang yan ha," tumango ako.
"Halika na, ihahatid na kita sa inyo Ana." Umiling ako.
"Kaya kong umuwi mag-isa, Spade." Nginitian ko siya at nagpaalam na.
Pero hinabol niya ako.
"Ana, delikado na sa daan. Baka mapagtripan ka," tumawa ako. Really? He's really concern.
"Hmm, sige haha. Pero sa labas lang ng village namin ah?" Tumango ito.
"Sige, sakay kana sa motor." Napangiwi ako. Baliw?
"Mauna ka siyempre, psh" mahina siyang tumawa.
Nang makasakay na siya ay umangkas narin ako, sinuotan niya ako ng extra na helmet. Hmm, mas masarap palang sumakay sa motor kesa sa kotse, ano? Isang beses palang yata ako nakasakay ng motor at bata pa talaga ako nun.
"Dito nalang, salamat" bumaba na rin ako. Malapit lang ang ice cream-an kaya nakarating kami kaagad.
"Ingat ka ha." Tumango ako at ngumiti.
"Eto, phone number ko 'yan." Binigay ko sa kanya ang kapirasong papel na hiningi ko pa sa store kanina para lang maibigay ko ang contact ko sa kanya. "Kumustahin mo'ko paminsan-minsan." Ngumiti ito at tumingin sa kapirasong papel.
"Osige, gagawin ko haha. Sa ngayon, umuwi kana dahil hating-gabi na." Tumangin ako sa aking wrist watch. Alas dose na nga.
Kumaway ako at bumalik na sa bahay. Sana matagal nalang kitang nakilala, Spade Madrigal.
"Where have you been?" Seryoso pero nag-aalalang tanong ni mama. Umiwas lang ako ng tingin. Kararating ko lang, parang gusto ko ulit umalis. Psh.
"Diyan lang" maiksing sagot ko. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Sinundan pala ako ni mama.
"Anak Tasha, wag mo naman masamain yung tanong ko sayo... nag-aalala lang si mama, okay? Alam mo naman diba? Suportado kita sa mga desisyon mo, ang akin lang kaya ko natanong yun... gusto kitang kumustahin." Lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok ko. "Anak kinukumusta lang kita, baka napipilitan ka lang na ngumiti at tumawa o kung ano pa. Hindi mo naman kailangan magpanggap kay mama eh" parang anytime ay tutulo nanaman ang luha ko.
Wala ka talagang kwenta, Andrew.
"Ma sorry pero antok na'ko." Bumuntong hininga nalang si mama at wala ng nagawa pa.
"Goodnight anak, sana maging maayos kana.. Anastasia." Matapos no'n ay iniwan ko na siya.
—
"Hey! Gising na!" Napadilat ako kahit na inaantok pa ako ng sobra.
"A-Ate!" Bumalik ako sa pagkakatulog at nagtakip ng unan.
"Gising na kasi Tashaaa!" Pilit niya talaga akong ginigising. Haist.
"Bakit ba?!" Inis na sigaw ko.
"Psh, galit galitan ka nanaman diyan. Samahan mo naman ang Ate mo! Grabe ka talaga, Tasha." Umirap ako. Ang laki laki na, magpapasama pa siya.
"Ilang taon kana ba ha?" Umupo ako sa kama ko, "Twenty one kana diba? Oh, ang tanda mo na. Umalis ka mag-isa, antok pa'ko eh." Umirap ako at muling humiga.
Kiniliti ako ni bruha.
"Gaga ano ba! Oo na. Sasamahan kana ng magandang si Anastasia." Umirap ako at tuluyan ng bumangon. Grr. Kainis.
"Hay salamat sister! Ligo kana, bawal mabaho dun eh." Tumawa siya. Nakakairita talaga 'to.
"Nakakatawa yun?" Note the sarcasm. Psh. Kainis. Bitin na bitin tulog ko. Animal.
"Oo? Ge ligo kana, baho mo" umirap nanaman ako.
Napailing nalang ako bago pumasok sa banyo ko at nagsimulang maligo.