Chapter 1"Ma, Magpapahinga po muna ako bago tayo mag swimming! Kakarating palang natin tapos magsu-swimming na tayo agad, Ma antok pa talaga ako" Reklamo ni Ellaine sa kanyang ina na excited na mag swimming sa dagat. Nasa Bakasyon kasi sila sa probinsya ng Mommy ni Ellaine. Kararating lang nila galing manila at ayun, nag aya ng maligo ang kanyang ina kaya nag protesta siya agad.
"Okay-okay! Magpahinga ka kung gusto mo pero kami ng papa at mga pinsan mo? Magsu-swimming na!" Sagot naman ng kanyang ina habang tinaas-baba ang kilay nito na tila nanunukso.
"Okay mom! Matutulog muna ako. Promise, Susunod ako kung sakaling maaga ako magising" Walang gana niyang sabi at humalik sa pisngi ng kanyang ina at nag martsa patungo sa cottage na tutuluyan niya.
Sa kanila ang resort na iyon, at palagi na sila dito. Ngunit iba ang pag bakasyon nila na ito ngayon dahil magkikita-kita sila ng mga ka Relatives nila doon. Kahit may trabaho siya sa maynila, Wala siyang magawa kundi sumunod dahil mismo ang Daddy niya ang nagsabing uuwi sila sa probinsya ng mama niya at kailangan niya ring mag relax.
Humiga si Ellaine at bumuntong hininga. Gusto man niyang ilub-lob ang sarili sa trabaho, Wala siyang magagawa dahil ang ama na nito ang nag desisyon.
Nagising siya ng may sunod-sunod na kumatok sa pintuan ng kanyang cottage. Isang simpleng kwarto lang ito na may isang malaking bed.
Agad siyang tumayo at pinag buksan agad ang kumatok. Iyong daddy lang pala niya ang kumatok. Kita sa mukha nito ang pag aalala.
"Anak, Hapon na! Simula nung dumating tayo dito di ka pa kumain. Mamaya mo na ituloy yang pag tulog mo. Kumain ka muna dahil andito na ang pinsan mong Sina Jonathan At Christoff." Agad nanlaki ang mata niya ng banggitin ng ama niya ang Pangalan ng mga pinsan niya.
"Dad! Maliligo muna ako" and she gave her sweetest smile saka isinara ang pinto. Naligo agad siya at nag suot lamang siya ng simple Tee Shirt at Maikling Shorts. Sinuklay niya ang straight niyang buhok na hanggang sa baywang at nagmamadaling lumabas. Dumeritso agad siya sa restaurant ng resort nila, Dahil alam niyang nandon ang mga pinsan niya.
"And speaking of the Princess" Napangiti siya ng tawagin siya ni kuya nathan o jonathan na Princess. Nag iisang babae kasi siya sa mag pinsan. Aaminin niyang na miss din niya ang mga pinsan niya.
"Hai kuya Nathan! Kuya Christoff" Sabi niya at nagmadaling Pumunta sa kinaroroonan nito at niyapos.
"Namiss ko po kayo ng Sobra" Sabi niya habang Naka Hug pa rin sa mga ito.
"Namiss Ka rin namin Princess" Sabi naman ng kuya Christoff niya.Pagkatapos nilang magyakapan ay agad naman silang nagkainan at nagkwentuhan. Pero kahit nasa pag kukwentohan nila ay di mawala sa isip ni Ellaine ang Naiwang trabaho sa manila.
She's just 21 years old pero heto at pagtatrabaho ang iniisip.After nilang mag Snacks ay naglakad-lakad siya sa puting bay-bayin. Nasa Pool kasi ang mga pinsan niya at kakadating lang rin ng Pinsan niyang si Aldrin at Andrei pero mas pinili niya ang mag isa. Gusto niyang makipag kwentohan sa mga pinsan ngunit mas gusto niyang mapag isa.
Nilanghap niya ang sariwang hangin ng probinsiya. 'Ang Ganda naman Pala dito sa Camiguin' Sabi niya sa sarili niya. Ngayon palang kasi siya naka balik dito. Nung 10 years old pa siya last na naka punta dito.Umupo siya sa may buhangin na tanaw ang pag lubog ng araw.
'The Sunset was too beautiful' Sabi niya sa sarili and she took a deep breath.
'Ngayon lang pala ulit ako naka langhap ng hangin simula noong magtarabaho na ako, Kamusta na kaya ang company? I hope that everythings Fine'She Took a Picture of the Sunset and post in on Instagram and Facebook. Gusto niyang mag post palagi pero ang pino-post niya naman ay yung mga makahulugang bagay.
"Hashtag, Sunset." usal niya. Napangiti nalang siya matapos mag success ang pinost niya.
Humiga naman siya sa buhangin ng hindi siya nakontento sa pag-upo lang. Habang naka tingin sa Langit may bigla siyang naalala.
'kamusta na kaya si Brylle? Yung magaling kong Ex-boyfriend na ang alam lang ay saktan ako? Haha. Those days.' She took a deep Sigh and close her eyes. Kahit magdidilim na, kampanti siyang safe ang lugar nila. Safe siya sa kapahamakan kung meron man.At kamuntikan na siyang mauntog sa Mukhang nasa harap niya ng magsalita ito."Hey... Haha! Akala ko tulog ka. Bumangon ka raw 'jan sabi ni Tita. Pupunta raw tayong Bar." Napangiti siya sa sinabi na iyon ni Nathan. Tumango naman siya agad at Tumayo.
Bakit na e-excite ako?
Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?
Umiling siya sa naisip at Sumunod sa Pinsan papunta sa Open Cottage kung nasaan ang Mommy niya."Alam ko ang mukhang 'yan anak" Bungad ng Ina ni Ellaine dahil sa pag ngiti-ngiti niya. "Excited ka ano?" Pangungulit ng Ina niya sa kanya habang ang nasa paligid naman nila ay naka ngiti lang.
"Bawal bang ma-excite 'mmy? Ngayon lang naman kasi ako maka gala sa gabi at kasama ko pa kayo. Diba nakaka tuwa?" Sagot naman niya at ngumisi ng malapad."Ayuwn! Naglalambing si Princess!" Panga-alaska naman ni Nathan.
"Yaan niyo na.Ngayon lang yan ganyan" Sabat naman ng Papa niya.
"O siya! Bilis-bilisan ang pagkain dahil baka nagsimula na ang Gig nung anak ng kaibigan ko. Malapit ng mag 8 kaya paniguradong nagsisimula na iyon" Anas ng Daddy niya.
Pagkatapos naman niyang kumain ay agad siyang nagpaalam sa kaniyang mga magulang na magbibihis lang siya. Pagkatapos ay agad naman siyang pumunta sa Lobby ng Resort kung saan nag hihintay na ang kaniyang mga magulang at mga pinsan.
*****
Pasensya na po kung medyo sabaw ✌️✌️
Sana basahin niyo parin po 😊😊
BINABASA MO ANG
Lost in his WORDS
RomancePromises are made to be broken ika nga nila, Pero iba ang sitwasyon ni Ellaine, Wala siyang paki-alam sa kung anong ipinangako ng mahal niya basta ang alam niya mahal na mahal siya nito. Pero hanggang saan niya kayang ipaglaban ang kanyang pagmamah...