Na Saan Ka Na Aking Mahal

37 1 0
                                    

Nasan ka na kaya?

Mukha mo lage ang hinahanap.

Hindi makatulog sa gabi, dahil iniisip ka.

Na sana nasa mabuting kalagayan ka.

Bawat araw nagaabang sayong pagdating,

At muli kong makikita ang iyong mga ngiti.

Maramdaman ang iyong yakap at halik.

Magsasaya sa iyong tabi.

Kailan ba masisilayan muli ang iyong mga ngiti.

Hindi na ako makapaghintay sa iyong pagbabalik.

Naiinip na ako sa paghihintay,

Sabik na ako sa iyong pagmamahal.

Ngunit paano kita mahahagkan?

Paano ko mararamdaman ang iyong mga yakap?

Kung ako ay iniwan mong wala ng pagasa,

Dahil ikaw ay patay na.

-------------------------------------------

naisip ko lang po ito sana magustuhan nio ^_^

Na Saan Ka Na Aking MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon