"Masayang Tagahanga"

44 7 1
                                    

Sana magustuhan nyo...

Enjoy reading..

********

"Masaya nakong Tangahanga"

Hindi ko inaasahang ang pag-dating mo. Sa bawat pag pasok mo, may nangingilid na ngiti sa mukha ko. Ayuko ko sanang maramdaman to, pero di ko mautusan yung puso ko. Sa bawat pag bigkas mo sa pangalan ko, nag tatayuan yung mga balahibo ko.
Masaya nakong tagahanga mo, yung tagahangang sinasamantala yung pag kakataon kapag naka tingin ka sa ibang direksyon, ako naman tong sayo lang nakatuon.
At iyong tinalunton sa pag kakatuon, na puno ng tensyon, kaya nag iwas nag iba ng direksyon.
Hanggang kailan ako magiging ganto.
Hanggang kailan ako magiging masayang tagahanga mo.
Hindi ko maiwasang mangarap, mga hangin na gusto sayong malanghap, mga kaganapan na malabong maganap.
Mukhang naka maskara at mapag panggap, kapag ako ang iyong nakaharap. Alam ko kasalanan ang mainggit, pero hindi ko maiwasan kapag pangalan na nya ang iyong sinasambit.
Aking luhang pinipilit, pusong gustong lumalapit, kamay laging nakakapit, kapag ibang binabanggit. Hindi kita masisisi dahil sa pag kakaalam ko ako yung may kasalanan.
Sa pag haharutan nahulog sa higaan.
Sa pag aakalang mag kakasaluhan, simento ang binagsakan, at sa pinag bagsakan may sakit na naramdaman. ang daya kasi ako lang yung nahulog ako lang di yung masasaktan. Pero traydor talaga tong puso ko, hindi na aayon ang nangyayari sa isip ko, sabi ko kaibigan lang dapat ang tingin ko sayo. Pero bat ganto, kahit na anong gawin pag papanggap ko. Imahe mo lagi ang nakikita ng puso ko. Hindi ko etensyon na ikay mapa sa akin, sadyang nag hangad lang tong hangal kong puso na ikaw ang kinikimkim.

Ginawa ko naman, nilabanan ng aking isipan na, na bawal ka mapusuan, pero puso parin ang nanalo pero pag dating sayo talo.

Ang hirap ng ganto, yung piling na Panay tango na lang ako, pag sya ang kinuwento mo.

Aking ng itatago itong sangkap, na kahit anong gawin mo, hindi ko ipapalaganap, at di ako mag sasawang mapapanggap, para lang lapitan ka at makausap, kase itong nararamdaman ko, kase itong sangkap kahit kelan hindi mo matatanggap.

Alam ko naman yun, kasalanan ko, wala ka namang kasalanan dito. sa tingin ko nag kamali lang ako ng galaw kaya nahulog ako sayo. Pasensya na ha, sadyang tanga lang ang puso ko pumili ng tao, sobrang tanga kase nito, pinipili nya yung hindi ako gusto, akin namang ginawa para mapansin mo pero sa huli iba parin ang nakita mo, alam ko naman, na ang mga katulad ko na walang karapatan na mahulog sayo, kase sa apat na bukas na nakalagay sa mukhang pinapangarap ko, sa iba bukas ang mata at tenga nya, para makita at marinig ang sinabi ko.

Chologsabogsa

"Masayang Tagahanga"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon