~ 2 weeks before ~
Jamella Lhyn's POV
"Ah, Geraldine ... May ka-date ka na sa prom?"
"Date?! Makakain ba yan?! Psh. Lumayas ka nga sa harap ko! Nakakairita yang pagmumukha mo ee!"
"A-ah okay ..."
Nakakabored! Wala na namang teacher! Tsss. Pinapasweldo sila para pumasok, tapos hindi sila magkaklase. Tsk! Pero nakakaawa si Junnil ee! XD Hindi na naman siya pinansin ni Geraldine. Haaay. Ayaw pa kasing diretsohin at yayaing ka-date si Geraldine ee. Bahala sila dyan.
Matutulog na sana ako nang biglang ...
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"
Letsugas! Nakakagulat naman yun! Sino ba yung letcheng yun?! Tumahik ang buong classroom dahil sa narinig nilang sigaw na iyon.
Ano kayang nangyari?
Junnil Simon's POV
Haaay. Hirap maging torpe no? Hindi ko kasi siya mayaya ee. Nakakahiya talaga yun.
Flashback
"A-ah okay ..."
Pabalik na ako sa mga kabarkada ko dahil wa epek na naman ang pagpapapansin ko kay Ge.
"Oh ano? Talbog ka na naman no?! HAHAHA" Natatawang sabi sa akin ni Gabriel. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa 'to naging mga kaibigan ee.
"Hoy Gabriel! Wag naman masyadong hard! Ikaw naman! HAHAHAHA" Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni John Cedric dahil ayaw kong ma-bad trip ngayong araw.
End of Flashback
Ito ako ngayon, tinitingnan nalang ang maganda niyang likod. Pero bigla nalang sumagi sa mata ko yung likod ni ... Jamella Lhyn?
Geraldine's POV
Nakakabadtrip talaga ang buhay ngayon no? Mas gugustuhin ko pang mabuhay nung panahon nila Lapu-Lapu kesa ngayon.
Tatayo na sana ako nang ...
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"
AYANGGWAPONIJA--!! Ano ba yan?! Sino ba yung sumigaw na yun?! Makasigaw wagas ee! Lalabas na sana ako ng room at tingnan kung anong nangyari nang bigla akong nabunggo ng isang nagmamadaling babae na si ... Jamella Lhyn?
"Huy, Ge! Buti nalang nasalo kita! Ayos ka lang ba?"
OMG!!!!!! Si Jayvee ba to?! Kaya pala hindi ko naramdaman yung malamig na sahig dahil sinalo niya ako. OMO~
"Huy! Alam kong gwapo ako. Tama na ang tit--ARAY!" Nabatukan ko tuloy! Aba! Oo gwapo siya, pero wag naman niyang masyadong ipagkalat! ANG HANGIN EE! "Wag ka ngang Yolanda! Psh. Ayos lang ako kaya pwede mo na ba akong ibaba? Tsss."
Parang nagulat siya sa inasal kong yun pero unti unti naman niya akong ibinaba. Mabait kasi ako dati, totoo po ang nakikita niyo, tapos as in hindi talaga ako nasigaw or what. Pero lahat naman ng tao maaring ... magbago, diba?
Jayvee's POV
Ito ako ngayon nakaupo ng matiwasay sa upuan ko nang biglang may su--
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"
Nagulat ang buong klase dahil sa tili o sigaw na yun. Pero isa lang talaga ang nakapukaw ng paningin ko ... ang unti unting bumabagsak na babae. Agad akong napatayo upang saluhin siya at hindi naman ako nahuli.