"Ang buhay ay weather weather lamang."
Wika nga ng isang tagapag-ulat ng panahon.
Kung minsan maaraw, kung minsan nama'y maulan.
Bahain man tayo ng mga luha, kidlatan man ng mga problema, salantain man tayo ng mga pagsubok, lagi mo itong tatandaan na ang lahat ng ito'y matatapos rin, aking kaibigan.
At sa pagtila ng ulan, asahan mong may mga magagandang bagay parin na sa iyo'y nakalaan at nagaabang. Kasabay ng pagsikat ng araw at ang paglitaw ng makukulay na mga ngiti ng masiyahing bahaghari.
BINABASA MO ANG
After The Rain
RomanceIsang kwentong nagpapaalalang may mga magagandang bagay sa pagtila ng ulan.