Chapter 44

2.9K 76 0
                                    

Nagulat ako ng pagkabukas ko ng pinto ng unit ko nandoon si Katelyn. Naalala ko yung nangyari kagabi kaya agad akong nagiwas nang tingin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Sabay na tayong pumasok" sabi niya at nauna nang naglakad. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Tahimik lang ang biyahe diretso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho at ako naman nagiisip kung pano kung pano ko sisimulan magsalita. Hays bakit kasi nagpadala ako sa nararamdaman ko eh yan tuloy. Tinigna ko siya huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"About what happen last night. Im sorry about it" sabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Sorry for what? The kiss? Bakit ka nag sosorry sabi mo regalo mo sa akin iyon."sabi niya at ngumiti. Tsaka tumingin ulit sa daan.

"You know what lets forget what happen last night. Lets just pretend na walang nangyari" sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumisi.

“I cant forget abot it. Its a special gift from the special person in my life" sabi niya. Uminit ang pisngi ko umiwas ako ng tingin feeling ko ang pula pula na ng pisngi ko.

“Dont worry hindi kita isusumbong sa boyfriend mo" sabi niya.

“So ano na may naisip na ba kayong magandang activity?” tanong ni Clarisse nandito kami ngayon sa bahay nila. May meeting kami regarding sa activity for the foundation. At kanina pa kami nadito 11 na ng gabi pero wala parin na fi-final sa mga naiisip namin na activity keyso daw matrabaho ang preperations o di kaya naman magastos.

“Kain na muna tayo kanina pa ako nagugutom" angal ni Kaycee.

“Oo nga gutom na naman ako. Nakakagutom magisip" dagdag ni Lysa.

“Tumigil nga kayong dalawa wala pang nafifinal kakain na naman kayo" sabi naman ni Celine. Ako naman nag hihikab na medyo inaantok na kasi ako.

“Kailangan nating matapos ito bukas na titignan ni Katelyn." sabi ko.
“Oo nga kila Elaine tapos na.” sabi ni Clarisse. Nagulat kami ng magsalita si Elaine.

“Couz?"napatingin kami sa kay Elaine nagulat.ako ng makita ko si Katelyn.
“Kate what are you doing here?" sabi ni  Kaycee. Tumingin siya sa amin.

“Mahirap ba yung pinapagawa ko at sobrang tagal niyo?" halatang nagpipigil siya ng galit.

“Ha?" sabi ni Kaycee.

“Tumawag si lolo sa akin hinahanap ka."sabi niya kay Kaycee sunod itong tumingin kay Celine.

"Even ate Kristel is looking for you" sabi niya. Tumahimik lang kaming lahat.

"Umuwi na kayo"sabi niya.

"Di pa namin tapos-" hindi niya na pinatapos si Kaycee.

"Continue it tommorow kung wala kayong maisip the conduct a survey sa mga students kung ano ang gusto nilang activities"medyo malakas na ang boses niya.

"Yung nga yung naiisip ko kanina eh" sabi ni Kaycee at tumawa pa.

"Shut up! Umuwi na kayo isabay mo na si Lysa and Celine" sabi niya. Napatigil naman si Kaycee.

"Fine uuwi na kami lets go." Nagpaalam muna sila sa amin bago umalis. Tumingin si Katelyn sa akin lumapit siya at hinawakan ang kamay ko kaya napatayo ako.

"Lets go uuwi na tayo" sabi niya at hinila ako palabas ng bahay nila Elaine.

You and Me(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon