Arrie's POV
"Sorry Arrie It's just a dare" Napabalikwas ako Ng gising sa napanaginipan ko nanaman Ang nangyari kahapon. Hindi ko Alam Kung anong oras na at Kung gaano katagal ba akong umiiyak sa kwarto ko, wala na din akong pakialam Kung may makarinig man sa mga hagulgol ko basta't umiyak Lang ako Ng umiyak.
"Knock,knock"
"Arrie, open this goddamn door right now!" Nahimasmasan naman ako Ng marinig ko Ang sigaw ni Harvy sa labas Ng unit ko kaya lumabas muna ako Ng kwarto para pagbuksan siya Ng pintuan.
Pagkabukas ko palang Ng pintuan ay bigla akong yinakap ni Harvy, Hindi ko Alam pero tuwing yinayakap ako ni Harvy parang ligtas ako at pwede Kong ilabas Ang mga emosyon ko kaya napahagulgol nanaman ako sa balikat niya. Dinala ako ni Harvy sa sofa ko habang nakayakap padin ako sa kaniya, patuloy Lang Ang pag-iyak ko at Ang pagpapatahan niya sa akin hanggang sa makatulog ako sa mga balikat niya habang tumutulo Ang mga luha ko.
Harvy's POV
Habang pinapatahan ko siya ay nakatulog siya sa kapaguran Ng kakaiyak, Hindi ko maintindihan Kung bakit ko to ginagawa sa kaniya dahil Ang Alam ko Lang ay crush ko siya at mas ikinagulat ko Naman Ang sinabi ko sa kaniya kagabi.
Hiniga ko muna siya sa sofa tsaka ako tumayo para bumili Ng ice cream at cake para paga-anin Ang nararamdaman niya kaya kinuha ko muna Ang apartment keys niya para makapasok ulit ako pagbalik ko.
Pagkabili ko Ng ice cream at cake ay bumalik agad ako sa unit ni Arrie at pagbalik ko ay umiiyak nanaman siya kaya nilapag ko muna Ang binili ko tsaka ko siya ulit yinakap at pinatahan hanggang sa mahimasmasan siya, alam ko ng sa panahong ito ay seseryosohin ko na Ang sinabi ko kahapon dahil sigurado na akong mahal ko si Arrie at Hindi ko na siya papakawalan pa.
Arrie's POV
Kumakain kami ni Harvy Ng dala niyang ice cream at cake habang nanood kami ng movies. Hindi ko Alam pero hinayaan ko si Harvy na akbayan ako at sumandal ako sa balikat niya, pakiramdam ko ay nakalimutan ko lahat Ng nangyari kahapon at tila gusto Kong tumagal pa tong oras na ito kaya nawiwirduhan ako sa sarili ko.
Pagkatapos Ng movie tsaka ko napansin na tulog pala si Harvy. Tiningnan ko Ang mukha niya at naalala ko lahat Ng sinabi niya kagabi, gwapo Naman siya, matangkad,mabait at Mahal niya ako siguro Kung Hindi naging kami ni Max at naging mas malapit ako Kay Harvy ay Hindi malayong magustuhan ko siya kaya Lang naunahan siya eh nasaktan na ako.
Napansin Kong maggagabi na kaya naisipan Kong magluto muna Ng hapunan tsaka para mapasalamatan ko man Lang si Harvy sa pagsama niya sa akin.
"Arrie! F*ck where are you?" Nagulat ako Ng marinig Kong sumigaw si Harvy kaya sumigaw ako ng nasa kusina ako at maya-maya Lang ay nasa harapan ko na si Harvy at bigla niya nanaman akong yinakap.
"Akala ko nagkulong ka nanaman sa kuwarto mo at umiiyak ka nanaman" halata sa boses niya Ang sobrang pag-aalala Kaya napangiti Nalang ako bigla.
"Maupo ka muna don sa lamesa at ihahain ko na tong niluto ko para makapaghapunan na tayo" sumunod Naman siya tsaka naupo sa lamesa. Hinain ko na Ang mga niluto ko at kumain na kami at Wala ni isa man Lang Ang umiimik samin. Pagkatapos naming kumain ay nagboluntaryo si Harvy na siya daw Ang maghuhugas kaya pumunta nalang ako sa sofa para linisin Ang mga pinagkainan namin kanina.
10 na Ng Gabi Ng magpa-alam siyang uuwi at inaya ko naman siyang dito na siya matulog kaya Lang ay tumanggi siya kaya Naman hinatid ko nalang siya hanggang sa kotse niya.
Naulit Yung mga pagpunta niya sa unit ko Ng buong dalawang linggo. Halos Wala kaming ginawa Kung Hindi mag movie marathon ay kakain kami sa labas o kaya Naman ay pupuntang mall para maglaro sa arcade at kumain at mag window shopping at may mga araw din na sa unit ko na natutulog si Harvy.
Dalawang linggo na din kami ni Harvy Hindi pumapasok sa mga klase namin kaya Naman naisipan na naming pumasok Ng Friday para makapaghabol man Lang kami sa klase.
Sinundo ako ni Harvy dahil halos pareho Lang Naman Ang klase namin dahil pareho Lang Ang course namin. Pagpasok namin ay halos lahat ay nakatingin sa Amin nakarinig Naman ako Ng mga bulung-bulungan.
"Uy girl diba siya Yung girlfriend ni Max"
"Oo girl pero balita ko nagbreak na daw sila na Max pero grabe din girl kakabreak Lang nila ni Max may Harvy na agad Ang landi Naman"
"Oo nga girl Ang landi niya Hindi man Lang pinatagal at mukhang nakipagtanan pa ata"
"Mananahimik kayong dalawa oh gusto niyong patalsikin ko kayo sa school na ito" natakot Naman Kay Harvy Yung dalawang babae kaya tumakbo agad sila palayo.
Madami pa kaming narinig na mga bulung-bulungan kaya hinawakan ko na Lang si Harvy sa braso niya para pakalmahin siya at dumeretso na kami sa first class namin.
Pagpasok namin sa room ay pinagtitinginan kami Ng mga kaklase ko at mas malala pa dito ay kaklase nga pala namin si Max. Hindi ko nalang siya pinansin pero nararamdaman Kong nakatingin siya sa akin at Ang Hindi ko maintindihan ay Kung bakit parang Hindi ako gaano ka affected sa presensiya niya, siguro dahil kasama ko si Harvey Ng dalawang Linggo at Alam Kong may masasandalan ako.
Tahimik Lang sa loob Ng classroom Ng dumating Ang prof. Namin at nagsimula na Ang klase at Hindi ako nagsasalita sa kahit na ano mang klase ko. After dismissal ay hinatid nako ni Harvy sa unit ko at Doon kami gumawa Ng mga assignments at naghapunan. Masaya sa pakiramdam kapag kasama ko si Harvy at parang nakakalimutan ko panandalian si Max.
Sabado Ng umaga ay late na akong nagising dahil late na akong nakatulog ako kagabi dahil sa mga projects at thesis ko at Wala kaming klase ni Harvy ngayon. Nagtaka ako Ng Wala akong nakitang Harvy sa loob Ng unit ko dahil kadalasan ay nandito na siya Ng mga oras na ito at nanood Ng TV. Tinawagan ko Ang phone ni Harvy at nakakailang ring na pero Hindi niya padin sinasagot Ang tawag ko. Nag-aalala na ako lalo na at gabing-gabi na siya nakauwi kagabi at baka naaksidente siya. Pinalipas ko muna Ang oras dahil baka tulog pa si Harvey at Tama nga ako dahil halos isang oras na akong naghihintay at narinig kong tinatawagan ako ni Harvy para pagbuksan ko siya Ng pinto.
Pinapasok ko Naman agad si Harvy pero napansin Kong medyo gumegewang Ng onti ang lakad niya.
"Harvy nakainom kaba kagabi?" Napatingin Naman agad siya sa akin at napansin Kong namumula din siya kaya nilapitan ko agad siya bago pa siya makapagsalita tsaka hinawakan Ang leeg niya at sobrang init noon.
"Harvy may lagnat ka bakit kapa pumunta dito" napasigaw nalang ako sa kaniya dahil sobrang init niya talaga. Dinala ko siya sa kuwarto ko at inihiga ko siya Doon at Wala Naman siyang imik dahil sa palagay ko ay nahihilo siya at hinang-hina na.
Pumunta akong kusina para kumuha Ng tubig at Ng towel at pinunasan ko Ang leeg ni Harvy tsaka ko siya nilagyan Ng bimpo sa noo para mabawasan Ang lagnat niya. Napansin ko din na nakatulog na pala si Harvy kaya tumayo muna ako at nagluto Ng lugaw para makainom na siya Ng gamot. Pagbalik ko ay gising na si Harvy at medyo pupungay-pungay pa Ang mga mata niya.
"Sorry dahil na abala pa Kita Arrie" parang nahihiyang Sabi sakin ni Harvy.
"Ano kaba Wala to Kung ikukumpara mo sa pagtulong mo sa akin dati noong brokenhearted ako" biro Kong Sabi sa kaniya.
Nginitian niya Naman ako bago niya kainin Ang niluto Kong lugaw at tsaka niya ininom Ang gamot at mauling natulog. Nakaupo Lang ako sa tabi niya para maya't-mayang palitan at basain Ang bimpo sa noo niya Ng mapatitig ako sa mukha niya.
*Lub dub Lub dub Lub dub Lub dub*
Naramdaman Kong tumibok Ng mabilis Ang puso ko habang nakatingin sa mukha niya at bigla Kong naalala Ang sinabi niya noon sakin na Mahal niya ako kaya mas lalong bumilis Ang tibok Ng puso ko at namula Ang mga pisngi ko. Hindi ko Alam Kung anong mahika Ang meron si Harvy dahil nagawa niyang kalimutan ko si Max sa loob Lang Ng maikling panahon , Hindi ko na lolokohin pa Ang sarili ko dahil simula ngayon ay aminado na akong malapit na akong mahulog Kay Harvy at unti-unti akong lumapit sa mukha niya at tsaka siya hinalikan.