Memories...

43 1 0
                                    

Martina...

Naaalala mo pa ba? 

Noong lagi kitang kinukulit tungkol sa pisngi mo. HAHA. Tapos mumurahin mo 'ko. XD 

Pero kahit bad ang magmura, parang namimiss ko 'yon.

Naaalala mo pa rin ba? 

Yung partners tayo sa sayaw? 

Lagi kitang tinititigan nun. Tapos mumurahin mo na naman ako. -____- 

Pero alam mo, 'yun ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko. :)

Naaalala mo pa ba? 

Noong lagi kitang sinusubukang akbayan? 

Walanya. 'Di man lang ako magtagumay eh! Bago pa umabot, sinisiko mo na 'ko. XD

Naaalala mo pa ba? 

Yung tinanong mo sa'kin kung ano yung "Dead Silence"? Tapos nag-isip ako nun, at sabi ko, hindi ko alam. Hehe. 

May isinulat ka nun eh. 'Di ko lang matandaan. Paalala mo naman sa'kin. :)

Naaalala mo pa ba? 

Noong nagalit ka sa'kin? Kasi wala akong kwentang leader. 

LOL. 'Di nga ako makapasok ng maaga eh, idadagdag mo pa yun sa problema ko. :3

Naaalala mo pa ba? 

Noong nagkaroon tayo ng tawagan. Yung "POK"? Tapos inulit ko ng inulit. HAHAHANSAMA ng tingin mo sa'kin nun eh. XD

Naaalala mo pa ba 'yon? 

Yung may pinag-usapan kami ni Jeric. Nakikinig ka ba talaga sa'min nun? Kung may napakinggan ka, Martinaaa! 2 times a day na lang ngayon. >///<

Naaalala mo pa ba? Yung pinalitan mo yung profile picture mo ng selfie, na.... Basta! Ang ganda mo dun, Martina! <3 

At alam mo ba? May copy pa ako ng picture na 'yon! ;) <3 <3

Naaalala mo pa nun? 

Tungkol ulit sa sayaw. XD 

Alam mo ba, tuwang-tuwa talaga ako nun! Kasi pakiramdam ko, katuparan na ng mga pangarap ko. LOL. 

Holding-hands tayo, magkaharap na tayo, at libreng-libre pa tumitig sa nakakaakit mong mga mata. At higit sa lahat, nayayakap pa kita! Wooh! Shemay! HAHA. Parang pwede na 'kong mamatay! Joke lang. :)

Naaalala mo pa nun? 

Yung hinaharang kita sa daan, sa harap ng maraming tao, para lang magpayakap.? :') 

Tsk. 'Di mo man lang ako pinagbigyan eh. Tampo na 'ko. ;( XD

Naaalala mo pa ba nun? 

Yung pinaglalaruan ko yung mahaba mong buhok? Yung buhok mong parang hindi sinusuklay. XD Joke lang Martina. :) Inaamoy ko pa nga dati yun eh. Nang hindi mo lang napapansin. :) Pakiramdam ko, nag-slow mo yung pag-ikot ng mudo. Tapos parang may mga paru-paro na nalipad sa paligid. Haha. Natuwa ka naman? Joke lang 'yon. Ang totoo niyan, kapag inaamoy ko yung buhok mo, akala ko yung pag-ikot ng mundo bumagal yun pala nahihilo ako. XD Tapos yung mga paru-paro, paniki pala. XD Colorful lang sila. HAHAHA. Eh di, inis ka na n'yan? 

Totoo yung mga una kong sinabi. Tingin mo ba, lagi kong aamuyin 'yon, kung hindi mabango? Syempre hindi. Maarte kaya ako. XD

Naaalala mo pa ba? 

Noong binigyan kita ng 3 red roses, at isang toblerone? 

Valentine's Day nun. Pinag-ipunan ko talaga pambili nun. Ilang araw akong hindi nag-DOTA, may maibigay lang sa'yo. :) LOL.

Naaalala mo pa ba? 

Noong hinarana kita sa bahay niyo, at kumanta ng "I Won't Give Up"? Grabe. Hindi ko akalaing maganda pala ang boses ko. XD

Naaalala mo pa ba, Martina? 

Graduation Day. Bago magsimula ang program. Andoon tayo sa classroom. 

Akala ko, isang matamis na "OO" ang isasagot mo. Pero hindi pala. :( ;(

Iyak ako ng iyak noon, nung mag-umpisa na ang marcha. Tinukso pa nga ako nina Lance. Pero 'di ko mapigilan eh.

ANG SAKIT.

Naaalala mo pa ba..?   ..

-END.

A Boy's POV.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon