Ako si Nyah De Leon, 16 na ako, isa akong 4th year highschool o kaya grade 10 graduating na ang peg ko pero pilosopo pa din at siyempre maganda pa rin. NBSB (No Baon Since Birth) de jk No Boyfriend Since Birth siyempre wala ka naman talagang boyfriend pag bagong panganak ka pa lang diba? Pero NBSB ako as always naman eh! Walang the one! Naiinis yung mga lalaki kasi pini-pilosopo o kaya sinasagot ko sila ng pilosopo!
Well, wala tayong magagawa once a pilosopo nga daw ay magiging pilosopo lagi. Hay naku.
Back to reality! Andito ako sa classroom at tinatanong ako ni ma'am.
"Nyah! Kung saan nanaman napadpad isip mo!" Ang alam ko kasi ang utak ay nasa loob ng ulo ko pano makakaalis yun?
"Tinatanong kita ulit! Magbigay ka nga ng bagay na wala pa noong 20 years" sabi yan ni magandang ma'am at ito ako 'di ko mapigilan mamilosopo sa tanong ni ma'am. Di ko na kaya!
"Ako po ma'am!" At alam mo ang abot ko? Detention! Nakaka-HMMMMMFFF!!
Bad mouth Nyah! Bad mouth!
"Detention para sa'yo Ms. De Leon!" Grabe na tong teacher na to oh! Walang alam sa word na PRANKAHAN! Palibhasa seryoso in such things lagi!
May tumawag sa akin at lumapit ako at ang sabi "Girl, na detention ka daw?" Ay! Si Stephanie pala tong tumatawag sa akin! Akala ko naman kung sino!
"Ay hindi, natambay lang ako sa detention room! Masaya kasi eh!" Sarcastic na kung sarcastic, kunwari lang naman para maasar siya sa sinabi ko pero dahil alam niya ugali ko no need niya na para mainis.
Pumasok ako sa loob baka kasi mahuli ako ni ma'am.
Di bale isang oras lang detention ko kaya no worries, diba?
Bigla na lang may pumasok na lalaki na 'ooh-laa-laa' sa gwapo! Kung hindi magkakamali ay nasa section ko to! Or kaklase man, hmm... Aha! Si Louis Carter lang naman pala 'to isa siyang Top 2 honor student sa section namin, ako kalaban niyan!
Top 1 ako, pero kahit namimilosopo ako I got brain! Siyempre matalino ako! Bukod sa matalino, maganda pa ako!
Hindi niya man ako ginireet!
Buti updated lagi ako sa pangyayari sa school at tungkol sa ibang tao! Mabiro nga!
"Hay naku! Buti pa ang DOTA ! I-alt QQ mo lang pag ayaw mo na." At tinignan niya ako parang may binabalak, humaygad don't you mean?
Pero yung pilosopong isip ko sinasabi ay 'so, matatakot na ba ako niyan?'
"Nagpaparinig ka ba?" Sabi ni Louis, humaygad!
Sa ngalan ng ama ng espirito santo, amen.. Sana walang masama mangyari! Virgin pa ako jusko! Malapit na... At at....
"BUWAHAHAHAHAHAHAHA!!" Humaygad bakit siya natawa?
Ah! Feeling niya naman! Never niya ako mauuto!
"Hinding hindi ako papatol sa katulad mo! Di kita type!" Wow ah! May feeler tayo dito! FEELER ALERT.
"Wow ah, FEELER! Di din kita type noh! Kapal ng mukha feeling mo naman ang gwapo gwapo!" Sasabat sana siya kaso biglang pumasok si ma'am at natahimik kami kasi nga pumasok si ma'am.
"Pwede na kayong umuwi tapos na detention niyo!" At ngayon ko lang napansin na nung pagdating ko sa detention room ay wala siya kanina! Humaygad ang daya! As in D-A-Y-A
Palibhasa kasi dito favoritsm! May pagka bobo din si Louis kaso nilagay siya sa Top 2 dahil sa looks and hooks niya, tas habang ako nag sisikap mag-aral with no hooks but with looks!
BINABASA MO ANG
Pilosopong Babae na si Nyah (PBN) [ONE SHOT]
RomanceNagloloko man ako sa salita pero hinding hindi kita lolokohin -Nyah De Leon