mgc

29 3 2
                                    

bago magpasukan, may nakita akong guy sa isang program. fiesta kasi nun at isinama ako ng aking nanay.

hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong na attract dun sa guy.

nasa may stage ako nun at ganun din siya. pero wala ako sa pinakang center stage. gets?

tinanong siya nun ng host. mga basic info. hindi ko naintindihan kung ano pangalan niya. pero kakaiba at bago siya sa pandinig. mas bata siya sa akin ng dalawang taon. at ang pinaka ikinagulat ko eh school mate pala kami.

hindi ko alam. kasi hindi ko pa ata siya nakikita sa school. o kung nakita ko man siya eh hindi ko siya masyado napapansin.

nakapagtataka nga na hindi ko siya kilala eh. bakit? dahil every monday at friday eh pumupunta ako sa lahat ng classroom para mangolekta ng results para sa cleanliness campaign ng club namin.

pasukan.

fourth year na ako. ibig sabihin second year siya.

bago ako pumasok, ipinagdasal ko na sana makita ko siya.

and

.

.

.

.

.

wish granted. nakita ko siya papasok. nakasakay siya sa tricycle. masaya na ako nun. kahit na sa ganun lang. hihi

nagstart na ang klase. sa school namin, iba ang oras ng break time ng higher year sa lower year. gets? pero hindi naman siya nagiging conflict sa lahat. sanayan lang yan.

one time. pababa kami ng bestfriend ko. lunch na kasi. taposs nakita ko si crush. ayun. tinuro ko sa kanya. mejo may pahabol effect pa kami nun. haha.

ng maituro ko na sa kanya, ganito sabi niya?

"yun? kilala ko yun ah. si ty un. schoolmate ko nung elementary."

(ung ty po ay apelyido niya. pero ang basa po ay t.y. gets? haha)

"eh? talaga?" sabi ko sa kanya.

kilala pala niya. haha.

one time habang nag uusap kami ng barkada. naisipan namin magkaaminan ng crush. dahil puro babae lang kami nun at may sariling buhay ung mga lalake.

nung time ko na, hinayaan kong si best friend na ang magsabi. ewan ko ba. nahihiya ako eh.

" ah. si ty pala." yan sabi nila.

at ang mas nakakagulat? kilala nilang lahat. ako lang ang may hindi alam.

nakakatuwa kasi habang tumatagal, nasasaulo ko ung class schedule niya. bakit? dahil iba nga ang oras ng break time namin, pag nababa kami at naglilibot sa campus, siyempre nadadaanan namin ung classroom nila at nakikita ko kung sino ang teacher nila. mabilis lang naman kasi tandaan kung anong subject ang itinuturo ng mga teachers nun eh.

kaya ang gawain ko, minsan abangers. haha. ganyan naman halos ang lahat diba?

intrams.

nakakatuwa. pinaka close encounter at pinaka kilig moment ko sa kanya.

una. first day ng intrams.

dumaan siya sa likod ko. ung feeling na tuwang tuwa ka na talaga. pero siyempre dahil ako ay mabait, hindi yuun masayado pinapahalata. ang nakakatuwa lang sa encounter na yun eh amoy na amoy namin ng best friend ko ang pabango niya. haha. na di kalaunan eh katulad pala ng pabango ng kuya ko. haha.

pangalawa.

nakaupo kami nung isa kong barkada sa bleachers at nanonood ng volleyball. paglingon namin sa right side, andun siya. ung halos 1 meter lang ang layo namin sa isa't isa at walang nakapagitan sa amin. jilig much talaga. at si friend? ayun. todo asar sa akin. haha

pero bago unv pangyayaring yun. ung isang barkadang lalake namin ung nandun. tinuro namin sa kanya si ty. and guess what? kilala niya at talagang close pa sila. bakit? dahil barkada ni crush ung kapatid na girl ng friend ko. gets?

marami pang nangyating close encounter nung intrams. isa lang masasabi ko. puro kilig moments un para sa akin.

bakit?

first time lang nangyari sa akin ang ganun. ung kiligin ka ng todo sa crush mo.

ang dami ko pang ginawang kalokohan nun para makakuha ng info sa kanya.

dahil hindi niya inaccept ang friend request ko sa fb, naging stalker muna ako. hahaha.

ung ibang info niya na hindi ko makita ay tinanong ko sa mga kabarkada ko na tingnan dahil lahat naman sila eh friend un. ako lang talaga ang hindi.

nung may pinopormahan siyang babae, ang bitter bitter ko. kilala ko si girl kasi clubmates kami last year. pero siyempre dahil mabait ako, hindi ko ipinapahalata yun. haha.

kilig moments here. kilig moments there.

ung feeling na alam ko kung gaano siya katangkad, yung nagagaya ko yung paglakad niya, yung alam kong paborito niya ang pula kasi ung bag ay relo niya eh pula.

one time. parang nagsawa na ako. bakit? kasi feeling ko nafall na ako sa kanya. posible naman yun diba? one sided love.

okay lang yun sa akin. para kasing naging inspirasyon ko siya. lagi niya akong napapa good vibes sa tuwing makikita ko siya.

i decided na iwasan siya kahit na imposible kasi lagi ko siyang nakikita sa campus.

yung dumating sa point na naiinis ako kasi nakikita ko siya samantalang dati pag ganun eh todo ngiti ako.

mahirap din gawin yun ha. umabot pa ata ako ng one year para gawin yun.

at least nung nag college ako eh nabaling sa iba ung attention ko at nawala ung crush ko sa kanya.

pero isa lang ang masasabi ko. sa lahat ng naging crush ko, siya na ata ang aking GREATEST CRUSH.

lesson learned.

magkaiba ang crush at love. ang crush eh attraction lang. ang love, attraction with commitment and feelings.

don't find love. it will come at the right place and at the right time. let love find its way to find you.

trust me. totoo yan. haha.

e n d

sorry kung mejo lame at kung mejo sabaw. try lang naman eh. haha.

#hugot

vote and comment ka naman oh. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my greatest crush (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon