chapter 1

5 0 0
                                    

Sorry

Pababa na ako sa hagdan ng makita ko si mama sa may Sala nag hahanda narin sya sa pagtitinda

"Mama Mauna na po ako baka malate pa ako sa school" sambit ko kay mama

"Sige anak umalis kana ako na ang bahala dito mag ingat ka anak"

"Opo mama bye po"Sabi ko at humalik na sa pisngi nya

Papunta na ako sa sakayan ng jeep medyo malayo layo kase yun sa bahay namin. habang nag lalakad ako naisip ko ano nama kaya ang gagawin ni seven sakin ano nanaman kaya pang bubully at pananakit ang gagawin nya

Napa buntong hininga nalang ako
"Ineng sasakay ka ba?" tanong saaken ng driver doon ako nabalik sa ulirat

"AYY opo pasensya na po" Sabi ko at dali daling sumakay sa Jeep

Wala pang masyadong tao kaya nakaupo pa ako Ng maayos pero habang tumatagal ay pasikip na pasikip Ang sinasakyan Kong jeep pero okey lang dahil sanay naman ako sa ganon

Pagbaba ko ay inayos ko agad ang sarili ko dahil gulo gulo Ang buhok ko dahil sa hangin Hindi ko Naman maayos sa loob ng Jeep dahil sobrang sikip Hindi na ako makagalaw

Dali dali ako pumasok say loob ng paaralan dahil baka mahuli pa ako

Habang nag lalakad ako at pinagtitinginan ako ng mga tao hindi na ako nagtaka kung bakit malamang dahil ito sa nangyari kahapon

Hinayaan ko nalang sila at pumunta na sa una kong klase

Gaya ng nangyari kanina pinagtitinginan din nila ako pagpasok na pagpasok ko palang sakin na napunta ang mga mata nila

Hindi ko sila pinansin at pumunta na sa aking upuan

Naging maayos naman ang klase pati ang sumunod na klase kadalasan lang at pinagbubulungan nila ako pero okey Lang hanggat Hindi nila ako sinasaktan

Ng matapos ang first class and second class ko umalis na ako at pumunta na sa rooftop dahil malaking pagkakamali Kung pupunta pa ako sa canteen dahil sigurado pagtritripan lang ako Ni seven

Habang kumakain ako sa rooftop ay may narinig akong yabag Ng paa Hindi ko nilingon dahil baka si mang kanor lang yun janitor dito sa school

Pero nagulat ako na hindi parin tumitigil Ang yabag Ng paa at parang papunta ito sa akin kaya Hindi na ako nakatiis at nilingon ko kung sino yun at nagulat ako sa kung sino Ang nasa harap ko

Walang iba kung hindi si seven Cortez

Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako doon ko lang napansin na sobrang lapit nya sakin kaya napa atras ako hindi ko makita ang muka nya dahil mas matangkad sya sakin kaylangan ko pang tumingala para mapagmasdan ko ang muka nya

At ngayon ko lang rin napansin na sobrang perpekto ng muka nya namumungay na mga mata matangos na ilong mapulang labi matipuno na pangangatawan

Napaka perpekto nya mayaman gwapo Wala na syang mahihiling pa nasa kanya na Ang lahat kaya Hindi ko maintindihan Kung bakit ganon ang ugali nya

"Maxine" nabalik ako sa riyalidad ng tinawag nya ang pangalan ko Ang tagal ko na pala nakatulala sa muka nya

Nagulat ako na alam nya ang pangalan ko ang akala ko hindi nya na inaalam kung anong pangalan o sino ang binubully nya basta pinagtritripan nya nalang

Pero mas nagulat ako sa sumunod nyang sinabi

"Sorry"

Ang tagal nagproseso sa utak ko ng sinabi nya nakatanga lang ako sa harap nya

Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya ngayon ko lang kasi narinig sakanya ang katagang iyon NGAYON LANG

"Ha?" yun ang ang nasabi ko

At bigla nalang sya naglakad paalis at naiwan nakatanga mag Isa sa rooftop
Ilang minuto rin ako nakatanga sa kawalan nang narinig ko nagbell hudyat na tapos na Ang recess

Nagmadali ako bumaba dahil malayo layo rin Ang room namin sa rooftop dahil sa pinaka baba Ang room namin

Pero kahit ano pang takbo ko late parin ako dahil late ako kaylangan ko pang bumati at lahat Ng classmates ko nakatingin sakin kabilang na Doon si seven

"Shit nakakahiya" sambit ko sa sarili ko

"Good morning ma'am good morning classmates Im sorry Im late" nakayuko Kong Sabi

"Before you come in why are you late" Sabi sa akin Ng terror Kong teacher

"Ammm........Kase po....?" Wala ako maisip na palusot  dahil hindi ko naman pwede sabihin na kaya ako na late kase Hindi parin na proseso saakin ang sinabi Ni seven

"Why miss Peralta?"naiinip na sabi ni ma'am Alice sa mataray na Boses actually mabait Naman si ma'am kapag nasa labas kung saan hindi na sya teacher dahil terror siya say loob Ng paaralan

"Kase po ma'am sumakit po yung tyan ko Kaya nag C.R po muna ako Kaya po natagalan ako" nag tawanan yung mga classmates ko nakakahiya pala yung sinabi ko bigla nalang yun lumabas sa bibig ko

"Okey you may now take your seat"

Dadali akong tumungo sa upuan pero meron na nakaupo dito

"Pwede ba Maxine sa likod ka nalang umupo kase bago lang Yung friend ko gusto nya umupo dito e"maarte Sabi ng classmate ko

"Sige"Dahil mabait ako at ayoko ng gulo pumayag ako

Titingnan ko yung mga upuan sa likod iisa nalang sng bakante at yun ang katabi ng upuan ni seven

Dahil yun nalang ang bakante upuan wala na akong choice kung hindi maupo sa tabi ni seven

At yun naupo ako sa tabi ni seven nawalang imik. Nag discuss ang teacher namin ng onti at nag karoon ng seatwork

Kinalkal ko yung bag ko pero Hindi ko Makita yung ballpen naiwan ko pa yata yun sa rooftop

Sure ako na wala mag papahiram saken ng ballpen dahil nobody lang naman ako. mukang hindi yata ako makakapag seatwork ngayon dahil wala akong ballpen

Pero nagulat nalang ako ng may naglagay ng ballpen sa desk ko nagangat ako ng tingin at nakita ko na si seven ang naglagay bg ballpen sa desk ko

"Thank you" Sabi ko sakanya at sinalubong ang tingin nya una sya umiwas ng tingin

Matapos Ang seatwork tumunog narin ang Bell hudyat na tapos na ang klase

Habang inaayos ko ang gamit ko naalala ko na hindi pala akin ang ballpen ko na gamit

Tingnan ko ang katabi paalis na sana sya pero pinigilan ko sya

"S-seven yung ballpen m-mo" nauutal asKong sabi sabay abot ng ballpen nya

"T-thank y-you nga pala sapag papahiram" nakayuko kong sabi nakakahiya dahil nauutal pa ako

My Bully BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon