Hindi ako bibitiw,
kahit unti-unti ka na sa aking nawawala,patuloy akong hahawak kahit unti-unti ka nang bumibitiw,
hindi ko hahayaang ika'y mawala.Kakapit ako—
nang mahigpit sa 'yo,
hindi hahayaang maglaho yung mga pangako,
pakiusap—sinta hayaan mong manatili ako,
hayaan mong ipaalala ko ulit sa 'yo—
kung paano tayo nagsimula,
kung paano tayo nangako na tayo lang hanggang dulo,
ipapaalala ko sa 'yo—ipararamdam nang paulit-ulit kung gaano ka kaispesyal—kung gaano kita kamahal.
Magsimula tayong muli,
kalimutan lahat ng pagkakamali,
kumapit nang mahigpit sa aking mga kamay,
problema'y harapin natin nang sabay,
ikaw ang aking simula,
ikaw ang magiging dulo ng simula,
ikaw lang at ikaw pa rin ang nais makasama,
hanggang wakas kasama ng pag-ibig kong wagas.
-//Biancspen
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry ni Biancspen
PoetryHayaan mong indahin ang sakit, maranasan ang pait; darating ang panahon at sa di inaasahang pagkakataon, makakalimot ka, maghihilom lahat ng sugat na nagpapahirap sa 'yo; at sa araw na 'yon hindi mo na siya muling hahanap-hanapin, hindi na mamahalin...