Hindi ka na masasaktan,
ni hindi na mahihirapan,
hindi mo na 'ko kailangan intindihin,
o piliin—pilitin,
hindi ka na mapipilitan gawin—magkunwaring ako'y iniibig mo pa rin,
ikaw ang aking sinta,
kilala kita,
mula ulo hanggang paa,
kabisado ko na galaw ng 'yong mapupungay na mga mata,
kabisado ko na kung paano pangitiin ang 'yong labi,
batid ko kung paano huliin ang 'yong kiliti—ngiti.
Ikaw ang aking sinta—
batid kong hindi ka na maligaya,
kinagawian nati'y ikaw na'y nagsasawa,
hindi na tulad ng dati,
hindi ko na makuhang ika'y mapangiti,
hirap na akong huliin ang 'yong kiliti,
ikaw ang aking sinta,
subalit di na ako ang 'yong sinisinta.
kilala na kita,
hindi ka na maligaya sa aking piling,
hindi na ako ang dahilan ng 'yong bawat pag-ngiti,
hindi na ako ang nagpapakinang sa mapupungay mong mga mata,
hindi mo na kailangan magpanggap—sa aki'y humarap,
magkunwaring kabilang pa rin sa 'yong mga pangarap.
hindi naman ako madamot aking sinta,
palalayain naman kita—
kailangan kita subalit mas kailangan mo 'to,Malaya ka na... Malayo na rin sa piling ko.
-//Biancspen
![](https://img.wattpad.com/cover/168530722-288-k691161.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry ni Biancspen
PuisiHayaan mong indahin ang sakit, maranasan ang pait; darating ang panahon at sa di inaasahang pagkakataon, makakalimot ka, maghihilom lahat ng sugat na nagpapahirap sa 'yo; at sa araw na 'yon hindi mo na siya muling hahanap-hanapin, hindi na mamahalin...