Ang Pagibig ay parang isang laro.
Minsan may nananalo
at
kung minsan naman ay may
natatalo.Nananalo ka dahil alam mong ginawa mo ang lahat at ipinaglaban mo ang dapat ipaglaban.
Hindi ka sumuko,
hindi ka pinanghinaan ng loob,kundi ipinakita mo kung gaano ka kalakas,
kung gaano ka katibay na makamit ang premyo sa labanang ito.
Naniwala ka na sa simula pa lang ay panalo ka na,
dahil alam mo na
ang premyo sa labanang ito ay ang pagmamahal nya para sayo.Nagwagi ka dahil alam mong mahal ka nang taong mahal mo.
Natatalo ka naman dahil sa tingin mo ay hindi mo ginawa ang lahat,
hindi ka gumawa ng paraan upang ipaglaban ito.
dahil alam mo na kahit anong gawin mo ay sa bandang huli ay talo at talo ka parin naman talaga.
Natalo ka sa larong ito dahil sa hindi ka gumawa ng paraan,
kundi dahil sa simula pa lang ay alam mong hindi ka naman talaga mahal ng taong mahal mo.
Dahil ang mahal mo ay may mahal nang iba
at
iyon ay hindi IKAW.Ang pagibig ay para ring isang magic.
Alam mong niloloko ka na ay patuloy ka pa ring naniniwala.
Naniniwala sa ipinakikita nyang pagmamahal pero ang totoo,
ito ay isang panlilinlang lamang.
Na sa una'y ipapakita at ipararamdam sayo na mahal ka,pero sa bandang huli ay paluluhain ka,
sasaktan ka
at
iiwanan ka ng wasak na wasak.
Na para kang isang laruan na kapag pinagsawaan na ay itatapon na lang basta basta at iiwanan na lang ng sirang-sira.
Masakit man pero iyon ang totoo at wala na tayong magagawa pa.
Kung kaya
patuloy ka pa rin bang maniniwala sa magic ng pagibig?
o
patuloy ka pa rin bang susugal sa laro ng pagibig?
BINABASA MO ANG
I Believe in Love
RomanceI am love I give love I accept love I believe in love I extend love I am always becoming love........... Ang Pagibig ay parang isang laro. Minsan may nananalo at kung minsan naman ay may natatalo. Ang pagibig ay para ring isang magic. Alam mong...