Zeyuri's Point of View
"Yuri! Naayos mo na ba gamit mo?" sigaw ni Mama sa baba.
"Opo! Pababa na ko!" sagot ko naman. Lilipat na kase kami dahil malalaki na raw kami. Di na daw kasya sa aming apat na magkakapatid ang bahay dahil tatlong kwarto lang ang nandidito. Isa para kay Mama at Papa, isa para samin ng nakababata kong kapatid at isa para sa dalawa kong kuya. Pangatlo ako sa aming magkakapatid. Kaya naman namin bumili dahil limpak limpak na ang pera namin. Di naman sa nagmamayabang pero, simula nung nagkakumpanya kami sinuwerte na kami. Di ko alam pero basta! Dinala ko na ang maleta ko, bago ako lumabas, tinignan ko ang kabuoan ng aming kwarto ni Zeera. Nauna ng bumaba ang kikay na kapatid kong iyon, puros make-up lang ang dala at kakaunti ang damit. Iniwan niya ang nga damit na di daw sexy na tignan o di daw bagay sa kanya. 15 pa lang pero ang kikay kikay na. Ako nga na 17 ay pantalon at longsleeve na off shoulder na white lang tapos doll shoes. Pero siya naka backless na blouse at palda at high heels. Pero syempre mas matangkad ako parin ako.
-*-
Nakababa na ko at kasalukuyan nilalagay ni Papa ang mga maleta namin sa kotse. Ilang minuto nang tawagin uli kami ni Papa para sumakay sa kotse. Siyempre tabi tabi uli kaming magkakapatid.
"Anak, Yuri lilipat ka na pala sa Misvilla University. Pati rin kayo Zee, Zarn, Zack. Maganda doon mga anak, malapit lang yun sa bahay."
"Sige Pa, babantayan ko 'tong si Zee at Yuri"
"Pa madaming chix dun?"
"Hoy, Zarn! Yang bibig mo! Manang mana ka sa Papa mo"
"Gela, nasa lahi na natin ang pagiging gwapo at maganda"
Sabay sabay kaming tumawa sa sinabi ni Papa. How I love this family
"Teka, nalimutan ko. Ikaw Zeyuri Yassi Alveya kahit ikaw ay 17 na di ka pa pwede magkajowa"
"Nasasakal mo ang anak natin Leo. Pwede naman eh! Malapit na mag18 yang si Zeyuri"
"Tsk. Sige payag na ko"
Lumawak ang ngiti ko. Malantut eh!
Pero agad nabawi yun nang nagsalita uli si Papa"Hindi pala, ligaw muna. Tapos pagtungtong mo ng 18 tsaka mo sagutin. Tignan natin kung makakapaghintay yung lalaki"
"Dadaan muna samin yan ng mga kuya mo."
Over Protective naman. Tumango ako bilang sagot.
"Ikaw Zeera Yanna Alveya bawal magpaligaw at bawal magjowa. 15 ka palang"
Sabi ni Mama kay Zee. Kawawa naman my dear sissy.
Biglang ngumiwi si Zee. Halata sa mukha niya ang di pagsang ayon sa sinabi nila Mama at Papa. Patuloy pa rin kaming nag asaran hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
Woah. Mansion na ata ito! Tumakbo kami sa loob. Mapapamura ka ng pakshet!
Dahil sa pagkaexcited pumunta na ko sa taas at nakita ko na ang pangalan ko sa pintuan.Zeyuri Yassi <3
Hindi siya nakapintura parang magnet na nilalagay sa ref. Para pwedeng tanggalin minsan. Dali dali akong pumasok at namangha sa kwarto ko. May mini library ako at walk in closet pa ko! Walang libro yung bookshelfs. Yung walk in closet ko may salamin at mga hanger hanger ganern ganern. Pero pansin ko na kama or mga furniture. Bumaba ako at nalaman ko wala palang mga gamit ang kwarto namin. Kami raw kase ang bahala.
Binigyan naman kami nila Papa at Mama ng tagiisang kotse. Pero si Manong Berto ang magdadrive samin ni Zee. Pag 18 pa kami pwede magdrive kase si Kuya Zarn ay 18 na, si Kuya Zack 19 na. Mga 1 year ang pagitan namin. So ayun para tipid kaming dalawa ni Zee ang nagsama sa isang kotse papunta sa furniture store
YOU ARE READING
Childhood Bestfriends
Teen FictionSimula pagkabata, si Zeyuri at Vishno ay malapit sa isa't isa. Bestfriends kung tawagin, ngunit naputol ito nung lumipat si Zeyuri ng tahanan. Ngayon, pareho na silang Milyonaryo--- mali, Bilyonaryo. Inilipat si Zeyuri sa eskwelahan ni Vishno nung l...