Nakapula ang isang batang lalaki dahil kaarawan niya ngayon. Puro magaganda at pogi lang ang imbitado sa ika-walong kaarawan niya. Puro magagandang dekorasyon ang nasa paligid at masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa. Lahat detalyado. Halatang preparado ang lahat. Dapat walang panget tingnan.Habang nagaganap ang selebrasyon ay nabulabog ang lahat sa malakas na sigaw ng batang lalaki.
"Ahhh! Bakit may clown mommy? Sino ang nag-imbita? Ang pangit niya."
"Hindi ako nag-hire ng isang clown anak. Anyone, sino nagpadala ng clown na 'to dito?! Ano, sisirain niyo birthday ng anak ko? At ikaw," Hinarap ng mommy ng bata ang clown. "Lumayo ka dito, hindi ka imbitado ditong panget ka. Shu alis!"
Sa halip, ay tumawa lang ng malakas ang clown. Nakakatakot ang itsura, ang laki ng kanyang bibig, at napakapula ng mga labi. Yung suot naman ay ang laki.
Hindi nagpatinag ang clown kahit tresspassing na siya. Pumasok pa rin siya at lumapit sa bata.
"You want to have some fun with me, boy? Hold my hand!"
Nafreeze ang lahat dahil sa inasal ng clown na iyon.
"Mommy, ang panget niya! Ahhh!"
Nataranta siya at biglang tumakbo. Pawis na pawis siyang napadpad malapit sa park. Sa di kalayuan, may narinig siyang umiiyak na batang babae na nakatalikod habang nakaupo sa swing. Nilapitan niya ito at kinausap.
"Oy babae, bawal umiyak sa kaarawan ko." Tumigil sa pag-iyak ang batang babae pero hindi siya humarap.
"Pi..pinatay niya ang mama ko!" sambit ng babae na ipinagtaka ng lalaki.
"Sino ang pumatay?"
"Pula!Nakapula! Pinatay niya si mama, ang daming dugo ang nawala. Ayaw ko ng pula." Hindi pa rin siya humarap.
"Humarap ka nga sa'kin babae. Ako nga pala si Red Hemmings, tumakbo ako galing sa bahay dahil may Clown. I hate clowns, dull things and ugly people. I have Cacophobia."
"Ahh, ako si Lovely Hood."
"Oh, pangalan pa lang maganda na, humarap ka nga sa'kin, tumingin ka sa'kin, gusto ko ng kausap. O heto, may dala akong apple, sa'yo na'to. Kunin mo na, huwag kang mahiya."
"Ayaw ko." Kinulit ni Red si Lovely hanggang nakita niya ang mukha niya. Natigilan siya, hindi siya nakapagsalita, dahan-dahan siyang lumayo. Gusto niyang sumigaw pero di magawa ni Red.
"Bakit ka nakapula? Bat may cross na dugo sa ulo mo? Napakapula ng buhok mo. Ikaw, baka ikaw yung killer bata? Yung pumtay sa mama ko. Lumayo ka sa'kin Red, may Erythrophobia ako. Lumayo ka!"
"Anong pinagsasabi mo? Kaya ako nakapula at may cross na dugo sa ulo ko dahil birthday ko ngayon at tsaka lumayo ka din sa'kin dahil may Cacophobia ako!"
Bago sila lamunin ng kaba, pawis at taranta, pumikit silang dalawa para makalapit sila sa isa't-isa at nag-kamayan.
"Sorry napagkamalan kita, Nice to meet you Red and happy birthday."
"Nice to meet you too Lovely. Pagbilang kong tatlo, tumakbo tayong dalawa sa ibang direksiyon dahil may fear of ugliness ako at may fear of color red ka. One..tw..takbo!"
Nagdaan ang walong taon taon mula ng magkita ang dalawang bata. Gusto sana nilang maging kaibigan kaso bawal dahil natatakot sila sa isa't isa. Hindi nila makontrol ang kanilang emosyon dahil sa kanilang phobia.
***
[LOVELY]
"Can you be my girlfriend Lovely?"
YOU ARE READING
When Our Phobia Met (One Shot)
Short StoryLovely Hood, an ugly but a unique person has an Erythrophobia, Fear of color red because she got a trauma when her mother killed by a mysterious guy wearing red stuffs . On the other hand, a boy named Red Hemmings has a Cacophobia, Fear of Ugliness...