Sanay naman na kong binubully ako. Sa fats ko ba namang to sino ang hindi manggigigil diba? Joke. Ewan ko sa fats ko kung bakit nila pinag-iinitan. Kung sabik silang makakain ng lechon edi sana diretsuhin na lang nila diba? Buong buhay ko binubully na ko. Nagsimula lang yun nung kindergarten ako at nagtuloy-tuloy na. Mabuti na lang at nandyan lagi ang super hero ko, si mama. From kindergarten to high school oks na oks lang ang buhay ko. Pero nung college na ko...kinailangan na ni mamang tutukan ang business namin sa States. Nung college na ko kinailangan kong lumaban para sa sarili ko.
Nung college na ko ano pa ba edi syempre nagkaroon na naman ako ng bully. But this time may pinag-iba. Ano yun? Hmm siguro may bagay akong pinanghahawakan na importante dun sa tao. Hindi ko naman sya binlackmail dahil hindi ko naman alam ang halaga nun sa kanya. LONG STORY! And yun nga, hindi ko na lang namalayang naging bahagi na ko ng araw-araw nyang buhay, at ganun rin sya sakin. Unlike sa dating mga bullies ko, ngayon parang tinadhana na talaga to.
Pano kung sabihin ko sa inyong in the end may narealize ako?
Si Gale bilang bully ko ay sinira ang mga araw ko, pero inayos ang buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Being With Mr. Gale
RomanceAng araw-araw raw na pambubwisit at paninira ng isang tao sayo ay isang case ng pambubully. Pambubully? Pero what if this time ang case na to ay nakatadhana pala talaga?