"Mom I don't think na makakaya ko pang magstay sa school na to. Tingin ko anytime magcocollapse na lang ako." I took a deep sigh, while feeling the fresh air dito sa hinihigaan kong grass sa field. Yagit na kung yagit, tambayan ko talaga to.
"Honey yang school na yan ang mag-aangat sayo someday sa pangarap mong maging Engineer." Sagot ni mommy sa kabilang linya. Oh by the way, may business ang mommy ko sa US, kaya dun sya nagsestay and nagvivisit lang sya sakin every important occassion.
"Mom sobrang marami pang schools na magaganda dito sa Maynila diba?"
"But the school that you're now in is the best." She said with enough assurance in her tone.
"Mom!"
"Is something bothering you honey? Nabubully ka na naman ba sa school na yan?"
Napatahimik na lang ako sa tanong nya. Napakunot ang noo ko at napatanong ako sa sarili ko; Binubully nga ba ako ni Gale? Hmm YES, but hindi pwedeng sabihin ko kay mommy. Ayokong magworry sya. All my life laging sya na lang ang nakikipaglaban para sakin. I want to learn how to fight for myself too. Ayokong maging burden na lang habambuhay.
"Nope, of course not." Pinikit ko ang mga mata ko, telling myself not to tell mom about Gale. Mula pa nung nasa kindergarten pa lang ako mommy ko na lagi ang super hero ko sa mga nambubully sakin. Since hindi naman daw kami pinandigan ng tatay ko. She's just always there to tell me na hindi pagkukulang yung wala si daddy ko, kasi kayang-kaya nya namang pantayan at lamangan yun lagi.
"Good. Just tell me kung may nambubully dyan sayo, mapagabi man o umaga, umaraw man o umulan, pupuntahan ko talaga yan para ikarate. Hahahaha di nya ata alam ang kakayahan ng mommy mo."
Napaharakhak ako sa sinabi ni mommy. Eeee kasi naman nakakakilig!
But naputol rin kagad yun nung may apat na asungot na biglang nag-ala mushroom na nakatayo sa may ulo ko banda. Uh-uh. At may isa pang nakacrossed arms at nakaangat ang isang kilay na halatang naiinis sakin.
"Mom! I'll just call you back, nandito na raw professor namin. Byeeee!" I ended the call and inserted my phone on my pocket.
"What professor?" I asked sarcastically. Napatingala pa ko para tingnan ang demonyong si Gale. Here we go again. And surprisingly bigla syang may hinulog na mga aklat at notebooks sa mukha ko, buti na lang naishield ko ang mga kamay ko. Gago to. Kaya dali-dali akong tumayo para harapin sya.
"Yes?" I gave him the poker face. I can't fight too much baka mas lalo nyang pahirapan ang buhay ko sa school.
"Boss." He continued. Ah lintek gustong-gusto nyang tinatawag ko syang boss. Lupit din ng hangin nito sa utak eh.
"Yes. Boss?" I rolled my eyes. Nakakapikon lang, mayghad.
"Sinusungitan mo ba ko?" Lumapit sya sakin na naiimagine kong umuusok ang ilong at dalawang tenga. Ops hiyang-hiya height ko sa height nya, hanggang dibdib nya lang ako.
BINABASA MO ANG
Being With Mr. Gale
RomanceAng araw-araw raw na pambubwisit at paninira ng isang tao sayo ay isang case ng pambubully. Pambubully? Pero what if this time ang case na to ay nakatadhana pala talaga?