16th Chapter of Destiny

211 9 1
                                    

16th Chapter of Destiny

"So? You really give up on him?" Matamlay at dismayadong tanong ni Shaniah sa'kin. Ilang araw na ang makalipas.

"Yeah, maybe. Uhh--YES. I think so. I should." Nakakibit-balikat kong sagot. "Wala na rin naman akong mapapala dun." I sighed. Tama naman diba? Si Zethe? Ibang klaseng lalaki yun. Pusong-bato.

"Haaay, well... Wala na rin naman akong masasabi sa'yo. It's your decision. Let's find another guy na lang!" Nakangiti at excited na sabi ni Shaniah sa'kin. Hmm... Not a good idea.

"Ayoko na, Shanz. Bahala na. Dadating din yung lalaking para sa'kin. Hassle lang yang crush-crush na yan." Wala akong gana. =/

"Yay? Bitterness. Haay ewan ko sa'yong babae ka! Pati ako nahahawa sa katamlayan mo!" She sighed.

Bye, Zethe.

Sa buong buhay ko, si Zethe lang yung crush ko na nagpatili sa'kin ng bongga kahit hindi siya artista. Siya lang yung crush ko na napatawa ako kahit wala siyang ginagawa. Siya lang yung sobrang namiss at hinanap ko... At siya lang yung... Nakapagpaiyak sa'kin... Without doing or saying anything... I cried without knowing the reason why. Basta nasaktan na lang ako at biglang napaluha. Maybe it's because of the fact and the feeling na kahit wala pa akong natatanggap or naririnig na sagot, I know it's just... REJECTION. He will never like me. Zethe might not be too much pero siya yung gusto ko. At masakit sa'king maramdaman na wala na talaga akong magagawa kasi kahit anung mangyari, wala kaming chance--wala akong pag-asa.

*Sigh*

You heard it right. I cried. 3 consecutive nights--pagkauwi ko. Crush? Not enough to define my feelings for him. Love-- masyadong mabilis para sabihing ganyan na nga. Siguro gusto ko siya. Gusto kong mapalapit sa kanya at makilala siya. Marinig ko lang naman sana boses nun, satisfied na'ko.

Kaso sa nakikita ko...? He's not even looking at me. Nung nakita ko siyang nakatitig sa'kin, it must have been by accident. Maybe he just suddenly stared at me at timing ding lumingon ako kaya akala ko he did that on purpose--na may meaning yun... Pero wala eh, BLANK FACE, BLANK EYES, BLANK EMOTIONS. Ako? BLANK THOUGHT na. Haaay. Sayang. Sayang talaga kasi gustung-gusto kong guluhin siya. But instead of guluhin ko siya, ako pa yata nagulo niya. -_-

~~~~~

"Whaaaaattt???!!" Gulat na gulat kong reaksyon sa sinabi ni mama. She's crying... Oh shocks! Hindi ko mapaniwalaan yung narinig ko!

"We just delivered him sa ospital, nak. Kasama niya papa mo..." Nanginginig si mama! O__O

"P-Pero ma! Bakit di mo'ko tinawagan kanina? At b-bakit nandito ka pa?? Diba dapat nandun ka??" Natataranta ako! 

"Nagpaiwan muna ako para ayusin yung mga g-gamit ng k-kapatid mo! Papunta na rin ako dun! Sasama ka ba sa'kin???" Mama's struggling... ='( Ako naman sobrang nanggiginaw na!

"Oo naman! Tara na ma! Let's go!" Hinila ko siya sabay bitbit ng mga gamit na dadalhin namin sa ospital.

Si Roises Ures, my youngest brother, nasa ospital ngayon. Bigla na lang daw kasi siyang nagkaFlu tapos nung tumayo siya para uminom ng gamot, bigla siyang nahilo at hinimatay! Nakapikit lang daw siya kasi sumasakit yung mga mata niya sa ilaw... Kinakabahan na talaga ako dito! Hindi ko alam kung bakit pero sobrang natetense ako at hindi ako mapakali!

"M-Ma? Ano na ba yung sabi ni papa? Hindi ba siya nagtext? Kinakabahan na'ko eh!" Naluluha na ako habang nakasakay sa taxi.

"Wag ka na ngang magsalita muna, Ryen! Ang gulo na ng isip ko at parang sasabog na itong dibdib ko sa kaba kaya pwede ba, wag mo'kong tarantahin!" Nagka-cramming na singhal ni mama. Tumahimik na lang ako.

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon