Hayyy napakatagal naman, kanina pa ako nakatayo rito, nangangalay na ako. "Lola, isa nga pong soft drinks" ulit ko sa tinderang parang hindi ako naririnig.
Kanina pa ako rito pero 'ni hindi manlang ako nililingon.Tsk.
"LOLAAAA SOFT DRINKSSSSS NGAAAAA POOOOOO!!" napasigaw na ako ng tuluyan. Kaso parang masyado yatang malakas yung pagkakasabi ko.Well, kasalanan niya naman.Mabait ako pero hindi mahaba ang pasensiya ko.Kanina pa ako nauuhaw.
"Ayy jusq kang bata ka!Ba't ka ba sumisigaw riyan?Tsk tsk tsk mga bata nga naman ngayon, mga eskandalosa!" ayy grabe naman 'to sakin.Buti nalang talaga mabait ako at ayaw kong magkasala.
"Lola, kanina pa kasi ako andito.Bibili 'ho ako ng softdrinks" malumanay ko nang sabi.
"Ano ineng? Bakit ka ba kasi bumubulong hindi kita marinig."
Ha?Bulong pa yun?
"Lakasan mo nang marinig ko."
Eh?Okay.....
Bumuntong hininga nalang ako para mapakalma ang sarili.
"LOLAAA SOFT DRINKSS POOOO" ayan sumigaw na ako, sana naman narinig niya.
"Ahh Softdrinks ba kamo?" tanong niya tumango na lamang ako.
Umalis naman siya.Kukuha siguro ng soft drinks.
Hayyyy...
"Hi po ate.Pasensiya kana po kay lola may problema po kasi siya sa pandinig eh"
Nakakagulat naman. Bigla bigla nalang susulpot.
"It's okay, don't worry" sabay ngiti sakaniya "Lola mo siya?" turo ko dun sa tindera.
"Kakasabi ko pa lang po diba ate?"
Napangiwi nalang ako dahil sa sagot niya.
"Oo nga. Sige pasok kana. Tulungan mo na Lola mo."
"Sige po." saka siya umalis sa harapan ko para pumasok sa tindahan.
Sakto namang dumating na yung tindera't inabot sakin yung soft drinks tsaka ako nagbayad.
"TSAKA PRESTO NGA PO!"
"Isa lang ba?" tumango nalang ulit ako.
AT SA WAKAS PAYAPA NA AKONG KUMAKAIN!
Maya maya...
"Hi!"
"Oh shit!"
Bigla ko namang natapon yung kinakain ko nang biglang may sumulpot na tao sa gilid ko.
Nang lingunin ko ito ay tumambad sakin ang isang maputing lalaki, matangkad, may matangos na ilong, magagandang labi at ang pinakamaganda, ang mga mata niya.
Grabe.
Sa pagkamangha ko ay natagalan bago ko siya natanong.Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Ganda ng mata niya nakaka-inggit!Kulay sky blue kasi yung mata niya.Mukha naman siyang nailang dahil sa titig ko.
"Nawawala kasi ako eh" nahihiya niyang sagot sakin habang hindi makatingin sakin ng maayos,bahagya ring namula ang dalawa niyang tenga. Cute.
YOU ARE READING
Sooth Behind Mendacity
Teen FictionBawat tao kakaiba ang daloy ng buhay. Ang pagkasira nito ay gawa din ng sarili natin. Sa paggawa ng isang bagay na matagal mong pagsisihan, 'yon mismo ang sisira ng iyong buhay.