Kinabukasan ay nag-impake na ako kaagad para pagdating ng inutusan ni dad na sunduin ako, eh, maayos na ang lahat, isang oras na lang ay aalis na ako dito sa bahay.
Hindi ko pa rin alam kung papayag ba ako o hindi tungkol sa pagpunta ko sa states, maraming tanong ang nasa isipan ko ngayon, Una! bakit niya ako pinapapunta sa states? sa pagkaka-alam ko kasi ayaw nila akong mawalay sakanila kaya bakit bigla bigla nalang sila magdidisiyon tungkol sa pag-alis ko ng bansa?Halos hindi rin ako makatulog kagabi sa kakaisip ng kung ano anong dahilan kung bakit nila ako pinapapunta sa states! Damn! Gustong gusto ko nang makarating sa bahay para tanungin sila tungkol dito, baka kasi pag tinanong ko sila, masagot na lahat ng tanong ko.
*pep pep pep*
Andiyan na ata.
Naglakad ako patungo sa bintana para silipin kung yun na ba yung sundo ko. Nakita kong lumabas yung driver at papunta na ito ngayon dito sa bahay kaya nakunpirma ko rin na yun na nga.
Binuhat ko na yung medyo kalakihan kong maleta at binuksan yung pinto.
“Good Morning, Ma'am!” ngiting ngiting sabi sakin nung driver “Ako na pong magdadala niyan Ma'am!” kinuha niya naman kaagad sa kamay ko yung maleta para dalhin sa kotse.
Tiningnan ko ulit yung kabubuan ng bahay na tinirhan ko pansamantala saka ako tumalikod para sumunod sa kotse.
“Uy Farrah!”
Natigilan lang ako nang may tumawag sa pangalan ko kaya hinanap ko kung san ito nanggagaling.
Si Steve lang pal---
Si Steve Ferev?
Napatalikod ako bigla.
“Shit!” nakalimutan ko.
Napabuga ako ng hangin para mapakalma ang sarili ko, bago ako muling humarap sakaniya.
“Uh hello?” awkward kong sabi habang hindi makatingin sa kaniya ng diretso.
“'San punta mo?” tanong niya habang nakatanaw sa likod ko kung nasan yung kotse'ng sasakyan ko pauwi.
Eh?
“Ahh, pinapauwi na kasi ako ni daddy” sagot ko naman sakaniya.
“Ganon ba?” sabay tingin sakin “Sige baka hinihintay kana, ingat ka”
“Ikaw rin, bye” kumaway muna ako sakaniya bago ako tuluyang tumalikod para pumasok na sa kotse.Nakita ko rin na kumaway siya pabalik nang paalis na ako.
Hindi ko tuloy maiwasang mangiti habang nasa kotse ako.
Ang gaan talaga ng loob ko sakaniya.
Tanongin ko kaya si mommy kung may kilala siyang Steve Fherev?
Sige, tanong ko nalang sakanila.
Bumuntong hininga ako at bumaling sa driver.
“Manong, pakigising nalang 'ho ako pag nasa mansiyon na tayo”
“Sige, jiha, tulog ka muna, malayo-layo pa naman tayo.”
Hindi na ako sumagot, pinikit ko nalang yung mga mata ko para makatulog.
Zzzzzzzz...
“Ma'am?...Ma'am?”
nagising ako dahil parang may yumuyogyog sa balikat ko.
“Ma'am gising na 'ho, andito na tayo”
minulat ko na yung mata ko at umayos ng upo 'saka inayos yung sarili.
YOU ARE READING
Sooth Behind Mendacity
Teen FictionBawat tao kakaiba ang daloy ng buhay. Ang pagkasira nito ay gawa din ng sarili natin. Sa paggawa ng isang bagay na matagal mong pagsisihan, 'yon mismo ang sisira ng iyong buhay.