Pwede ba kasing ikaw nalang?
—————————————————————← [ i c o n ] Lino Quintal 📞 🎥 (¡)
—————————————————————Sara Jane: Linooooo! Ayoko na! Ayoko na ng ganito!
Ayoko nang kumain.
Ayoko nang huminga.
Ayoko na mag-exist.
Ayoko na lahat.
Ayoko na maging masaya.
Ayoko nang tumawa dahil
pakiramdam ko nagpaplastikan
lang kami ng sarili ko.Ayoko na, Lino.
Lino: Ano ba ang dahilan ng
mga yan? Isa-isahin natin.Sara Jane: Naisa-isa ko na e.
Lino: Isa-isahin nating ayusin.
•
FEBRUARY 7, 2019 THURSDAY
8:33 PMSa buhay na 'to, hindi ko alam kung kailan ba 'ko dapat magpatuloy at dapat na tumigil. Puno ako ng pagod at pagsasawang mabuhay. Ang dami ko nang naranasan. Ang dami nang sakit na hindi ko naman alam kung deserve ko ba talaga o hindi dahil hindi ako masamang tao.
Hindi ko rin alam kung ba't ba sa gitna ng pagpapakasaya ko kasama ang sarili ko, may tao talagang di maiwasang sirain ang pansamantalang pakiramdam na 'yon. Alam ko namang mahal ako ng pamilya ko. Wala silang pagkukulang. Sila ang dahilan ng saya ko. Sila rin ang nagiging dahilan kung bakit bigla na lang akong nagkakaganito. Sila rin ang nagbabalik ng saya sakin.
Gusto ko lang maghanap ng taong tanggap ako.
Tanggap ang kapangitan sa lahat ng kagandahang naipapakita ko.
Tanggap ang mga kadramahan ko.
Lord. Isang tao lang.
Isang tao lang ang kailangan ko.
Magpadala Ka naman ho, please, ng tao na magpaparamdam sakin ng mga bagay na hindi ko kailanman ma-e-explain----BLAG!
O_O
Jusko, ano naman 'yon?
Sa tingin ko kase, yun na ang sagot.
Ayokong mag-hintay. Ayoko. Dahil walang darating.
BLAG! BLAG!
Hala baka sa may bubong? Tumingin ako sa may bintana pero natatakpan ito ng puting kurtinang nakasabit doon. Hala! May pakpak yung---- t-teka... Pusa lang ang alam kong namamalagi diyan! “Aish. Aisssh!” sa sobrang kaba sa dibdib ko, pinilit ko pa ring tumayo. Nasa kalagitnaan na ako ng gabi at baka magising pa ang nanay ko dahil sa kalampag na nagmumula sa bubong.
I will make a way to make them come to me. Patience is a virtue, yes. But nothing will happen if we will just plainly wait for it.
BINABASA MO ANG
Unrequited - ON GOING
Short StoryWe will always be for each other. Mukhang pinaglalaruan kami ng mga deities sa paligid. Kupido, tadhana, ang kapalaran namin, oras at panahon. Mukhang ako ang napiling paglaruan. Nagawa pa nitong paikutin ng literal ang mundo ko, hanggang sa pati an...