Naglalakad ako sa kahabaan ng Ortigas center patungong Rob. Mainit ang sikat ng araw dahil tanghaling tapat. Konsolasyon na lang ang pag-ihip ng malakas na hangin pati na rin ang mga lilim ng mga nagtataasang gusali. Hindi ko na mahintay ang pagdama nang malamig na buga ng aircon mula sa mall.
Sa pagbaybay ko ng bangketa ay may napansin akong sasakyang mabagal ang takbo at sinasabayan ang paglakad ko. Loko to a, kinakabahan tuloy ako. Nang hindi na ako nakatiis ay huminto ako at gusto kong malaman kung ano ba ang sadya niya. Maya't-maya pa'y bumukas ang salamin sa tagiliran at sumilip ang nagmamaneho nito. Pamilyar ang mukha at nakangiti sa akin.
"Nathan, sakay na." Ang pag-imbita niya sa akin.
Tragis, si Henry pala. Haha. Ayun at nawala na rin ang kaba ko. Sumakay ako sa front seat at hindi rin mapigilang ngumiti.
"Saan ang punta mo?" Ang loko, pogi pa rin at lalong pumogi sa porma niya. Naka-corporate attire at maangas ang shades.
"Dyan lang sa Rob, papalamig." Ang tugon ko. "Musta na?"
"E di sabay na tayo." Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti niya.
Pagkatapos maipark ang kotse niya ay niyaya niya ako na kumain sa isang restaurant. Ang loko, ginawa akong batang karay-karay niya. Hawak niya ang kamay ko habang binabagtas namin ang parking lot.
"Para namang mawawala ako at hawak kamay pa tayo. Haha." Ang puna ko sa kanya.
"Haha. Oo nga ano?" Natawa na rin siya. "Pasensya na at excited lang ako. Bigla kitang na-miss."
Pagkasabi niyang iyon ay binitawan niya ang kamay ko at inakbayan na lang niya ako papasok ng mall.
-o-
Transferee ako sa isang college sa Manila. Nagkaroon lang nang problema sa pera kaya't muntik na akong hindi makapagpatuloy nang pag-aaral. Buti na lang at may kababaan ang college na nilipatan ko kaya't nairaos ang pag-aaral ko.
Dahil nga sa tahimik lang ako at hindi naman palakaibigan, loner ako at pumapasok sa klase na puro estranghero ang mga kasama. Malaking adjustment ang pinagdaanan ko nang lumipat ako ng skul.
Sa isang major subject kung saan ay pinayagan akong mag-enrol ng advance, first quiz pa lang namin ay napahiya talaga ako. Ako lang ang bukod tanging nakakuha ng bottom score. Haha. Bad trip talaga. Imagine 3/100 ang score ko sa isang electronics subject. First time kong makakuha ng ganoong score. Hanggang ngayon nga, sa sobrang memorable ng papel na iyon ay naitabi ko pa. Haha.
Anyway, nabadtrip talaga ako sa score kong iyon. Tapos meron akong kaklaseng intrimitido pa. Dahil sa ako ang huling tinawag, pagdaan ko sa tapat niya ay bigla niyang hinablot ang papel ko. Pagkakita ng score ko ay lakas ng tawa niya na nang-aasar. Grrr. Kung di lang ako nakapagpigil malamang ay umbag ang inabot niya sa akin. Sa ginawa niyang iyon ay lalo akong napahiya at sa buong klase pa.
Pilit kong inaral ang subject na iyon. Tragis, ang dami palang prerequisites noon at ang coverage ng unang quiz namin ay wala talaga akong kaalam-alam. Haha. Suntok sa buwan ang sagot ko at muntik pa akong ma-zero. At evaluation quiz pa lang iyon tungkol sa pinag-aralan sa mga previous subjects. Patay, double time ako nito. Sabi ko, next time, hindi na dapat ako makakuha ng mababang score.
YOU ARE READING
Henry
RomanceKapag itinadhana ang isang bagay, sadyang matutupad ito kahit anong mangyari. Pero minsan, kailangan nating gumawa ng sariling diskarte para tayo mismo ang tatakda ng ating tadhana.