pag dating ko sa tapat ng bahay ay kusang bumukas ang gate, may sensor kasi ito pero hindi ito mag bubukas kung hindi ka kilala ng sensor ng gate namin, kumbaga may sariling pag kakilanlan ang sensor sa gate, pagkapasok ko ng gate ay may mga nakaalerto naman agad na mga yaya para sumalubong sakin sa pintuan, pag baba ko ay naka helera na agad sila sa pinto, 6 sa kanan at 6 sa kaliwa kaya halos lahat sila ay 12 pero iba pa ang guard at ang driver namin, pinark ko ang kotse ko sa parking na meron dito sa bahay at bumaba na ng kotse
"welcome back ma'am cassandra" sabay sabay bati sakin ng mga nakahelerang yaya sa harap ko, ngumiti ako sa kanilang lahat
"thankyou"
"ahm ma'am yung kuwarto niyo po pala ay maayos na pati ang dressing room mo pati ang drawer mo po" yaya 1
"may pagkain narin po na nakahain para sa inyo" yaya 2
"ahm ok, thanks sa pag prepared, by the way where's manang alma?" si manang alma siya ay ang yaya ko mula nung maliit pa'ko, siya ang nag aalaga sakin dahil laging busy sila mom at dad sa mga pinagkakakitaan nila, simula ng isama ako ni mommy sa US ay natuto akong mag isa lagi at walang umiintindi saking iba kundi ang sarili ko lang. Nagka hiwalay lang kaming dalawa simula ng maging 11years old nako dahil malaki na daw ako sabi ni mom at hindi ko na kailangan ng tulong ni manang kaya pinabalik siya ng pinas ni mom.
"hinihintay ka po niya sa dinning area ma'am cassandra" yaya 1
"thankyou" sabi ko at ngumiti
"ah ma'am akin napo yang bag mo" yaya 3
"thankyou pero ako na ang mag dadala nito wala namang masyadong laman to kaya ako nalang"
"ah ok po"
"sige na, go back to your work"
"yes ma'am" sabay sabay ulit nilang sabi at umalis na, ako naman ay pumasok na sa loob, hindi parin pala nag babago ang ayos nitong bahay, kungnasan naka puwesto ang mga sofa, nag lalakihang flowerbased, nakasabit na chandelier, glass table na nasa gitna ng 4 na sofa, at ang isang malaking flat screen tv with speaker and dvd, lahat yon ay nandon parin sa kinalalagyan nila simula ng umalis ako dito pero ang nadag dag lang dito sa sala ay ang mga nag lalakihang paintings about culture at ang isang malaking picture family namin nung maliit pako
"kanina pa kita hinihintay sa kusina pero ang tagal mo pumunta don kaya ako na ang pumunta sayo dito" biglang basag ng isang tinig sa oag mumuni muni ko dito sa sala
"manang alma!!!!!" tili ko dito at patakbong lumapit sa kaniya at agad na yumakap
"hahahaha dahan dahan lang anak at baka madulas ka sa suot mong high heels" sabi nito sakin at bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya
"dont worry about me manang, sanay nako na mag suot ng ganito, by the way, i miss you so much manang!!!" sabi ko at yumakap ulit sa kaniya
"namiss din kita anak, kamusta ka pala sa US? kayo ng mommy mo? kahit na lagi tayong nag uusap sa cellphone hindi parin ako makuntento sa balita mo kung ano kalagayan niyo dun" sabi ni manang at bumitaw ulit ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat
"sabi ko naman sayo manang, we're fine, actually kung ano ang buhay ko dito ay ganoon lang din sa US ang kaso ako lang mag isa minsan sa bahay dahil laging busy si mommy sa company"
"eh ang pag aaral mo? may boyfriend kana noh?" panunukso nito sakin
"manang? alam mo namang laging may mga nakabantay sakin diba? kahit hindi halatang may nag babantay sakin kahit saan ay alam kong meron parin dahil sa mga utos ni dad sa mga tauhan niya, tsaka study first muna"
BINABASA MO ANG
Simple but Incredible Girl
Teen FictionMayaman sila ng pamilya niya pero hindi niya ito ipinag mamalaki sa iba,siya si ....... ang babaeng simple manamit,mabait,friendly,sweet,mapagmahal at higit sa lahat ay mapag malasakit sa kapwa niya maliban nalang sa mga taong gumagawa ng hindi mabu...