sa pag-inog ng tatlong mahabang animoy patpat
sa loob ng bilog, talagang di pa rin sapat
nang aking timbang timbangin upang maging tapat
ang' king pasya upang sama'y di mailuwat
Hapong dumaan, sa tarangkahan ng aking pag-iisip
ang isang bagyo na nakaambang sumapit
bagyong lubhang malakas humahawi dumadahas
hanging pumipinid ng bawat buhay sa labas
sa tuktok ng aking ikalawang astral
pinipilit kong burahin ang hinuhang saki'y nagdaan
pilit ko itong binubura pilit kong binubuwal
nang ang lagim ay hindi na magparamdan
ang isang kislap kapag itong nag-alab
lalaki, mandadamay, lalakad, maglalagbab
ang isang sigalot kapag ito'y nasimulan
maapuhap man ng madali, meron pa ring masasaktan
ngunit sa isip pilit pa ring kimukitkit
kailangan bang payagan o di kaya'y ipagkait
ang isang sitwasyong masama ma'y marikit
maganda may magkakaroon ng biglang lait
sa pag-inog ng tatlong mahabang animo'y patpat
umikot ito mula labing dalawa hanggang isa
ngunit hanggang ngayo'y di pa rin mahagilap
ang tamang pasya na magiging tapat ang bisa
oo tama, kakaulayawin ko ang ng panig isa
alalisin ko ang tunikang tinik na sisira sa isa
nang sa darating na araw, maisasaayos na
sitwasyong sa ngayo'y mahirap mang isara
ngunit ang bukas, naudlot ma'y magpapaligaya