KABANATA 03: Janelle

174 11 7
                                    

Daidairoka Shainah's PoV

Nagugutom ako.Pwede naman pumunta sa canteen para humingi ng pagkain.Tumayo ako para pumunta doon.

Lumabas ako ng kwarto nang bigla akong may narinig na sumigaw.Nagulat ako.Kasi biglang may isang estudyante na tumatakbo.

Nagtago ako sa isang bodega,buti na lang madilim.

Isang estudyante rin,puro dugo ang damit,may hawak na....tonfas? May hinihila rin siya.What the eff? Isang etsuyante rin,basag ang ulo.Duguan.Anong nangyayari?

'Wag kang lalabas,Shainah.'sabi ng utak ko.Hindi nga ako lumabas.Nakita ko kung pano niya patayin ang babaeng tumatakbo kanina.

Iwinasiwas niya yung tonfas at hinampas sa mukha ng babae,talsikan ang dugo,basag ang mukha.Natanggal din ang eyeballs niya,gumulong papunta sakin.

Hindi ako kumurap,kasi baka ako ang isunod.

Naka-handusay yung babaeng tumatakbo kanina.Pinutol niya ang ulo,at kumuha pa ng straw! Aba't...! Hindi naman yan buko eh noh!

Bampira ba ito? Akala ko ba fictional lang sila?

Biglang tumawa yung killer.Sino ba ito? Bakit ba siya naka-mascara?

Bigla niyang nilagay sa sako yung katawan at umalis na.Lumabas nako at may nakita akong babae,mukhang student din siya.Nakita niya ako at nilapitan ako.

"Magtago ka na."ngumiti siya.

"Ha? Ano bang pangalan mo?"tanong ko.

"Ako si Janelle."sabi niya at naglakad lagpas sakin.Teka,t-tumagos? Ibig sabihin nakaka-kita ako ng multo?

Napalunok ako nang hawakan niya buhok ko.Ramdam kong inamoy niya ito.

"Alam mo...naiinis ako sayo eh."sabi niya na ikinagulat ko.

"H-ha?! Ano bang sinasabi mo?"tanong ko habang humarap sa kanya.

"Sa sobrang inis,ang sarap mong patayin!"sigaw niya pero bigla siyang nawala.Hinanap ko siya nang may tumawag sakin.

"Shainah?"isang matigas na boses at parang principal yun.

"Ma'am.."sabi ko at humarap sa kanya.Walang expression ang mukha ng principal.Hinawakan niya ako bigla sa pulso at kinaladkad ako.

"Ma'am,pupunta lang po akong canteen kasi nagugutom ako!"sabi ko.Pero hindi siya sumagot.

Dinala nga niya ako sa canteen at hindi ko nasikmura ang nakita ko.Bakit ganito? Hindi hayop ang kinakatay nila? Bakit...tao? Cannibalism na ito.Nang makita kong nagtatalsikan ang dugo ng kinakatay nila atsaka pinirito ito.Walang linis linis.

"Nagugutom ka? Eto kainin mo."sabi niya dinala niya ako sa loob ng kusina.Di hamak na sobrang laki ng kawa ang nakita ko,kasya ang isang tao! Teka,tao ba talaga niluluto nila?

"Magtago ka dahil pagbalik ng kusinera,ikaw ang isusunod na sumalang sa kawa."iniwan ako ng principal dun at ni-lock ang pinto.

"Ma'am! Ma'am! Wag niyo po akong iwan! Ma'am! Tulong! Tulong!"sumilip ako sa bintana nang makita ko si....si.....si........Chizuru.Hindi ako sure pero parang si Chizuru yun!

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumalampag na pinto kaya nagtago ako sa ilalim ng lababo.

May pumasok nga.

"Oh,kunin mo nga ang utak ng tao dyan at gagawin kong batchoy."

Ha? Kusinera ba yun? Bakit utak ng tao? Gagawing batchoy?

Sumilip ako ng onti at may kasama siya na may robotic arms na-inaabot ang tumutulong dugo ng utak.

Yuck!

"Tadtarin mo nga yang laman ng tao para ipiprito ko na at gawing crispy pata."sabi ng kusinera.

Ginawa naman nito ng kasama at tinadtad ito ng salt at pepper.Natatakam ako.Hindi Shai,hindi pwede toh.Tao yan.Laman ng tao.

"Alam mo,mas masarap ang laman ng mga matataba.Tender at Juicy kaya malinamnam.Atsaka,mas healthy yun kasi nasa kanila na ang lahat ng sustansya!"sabi nung kusinera.

"Tapos alam mo bang hindi ko gusto ang lasa ng mga bumbay,lasang bawang.Ito namang mga bituka nila ay hindi ko masuri kung ano toh pero masarap ito sa bulalo."sabi ng kusinera.

Hindi ko na toh kaya,bumabaligtad na sikmura ko.

"Ang mga payatot naman,matigas ang laman."sabi niya."Yung mga mata,tanggalin mo.Gagawin nating kwek kwek yan."sabi ng kusinera.

Sht,hindi ko na kaya! "Bweeeeh!"napasuka ako ng de oras,dahilan na makita ako ng kusinera.

"Heh,ito pa palang isa.Hindi ka na makakatakas,bata."sabi niya at dinampot ako at tinalat ako sa kawa nila na ikinasigaw ko.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

"Shainah!"

"Shainah! Huy! Tubig! Buhusan niyo!"

"Shai! Shai! Gising!"

Nagising ako nang may naramdaman kong basa sa mukha ko at napaupo.Nakita ko silang lahat,mukhang nag-aalala.

Isang panaginip?

"Shai! Akala ko kung napano ka na."sabi ni Nina.

"Bakit ka sumisigaw?"tanong ni ate Kate.

"Oo nga,bakit?"tanong ni Hanah.

"Ate,bakit po? Nakakatakot po ba yung panaginip niyo?"tanong ni Allysa.

"Actually...hindi siya panaginip...parang totoo eh."sabi ko.

Hindi siya panaginip,isang bangungot na papatay sakin sa sindak.

"Uhh...guys...may kilala ba kayong Janelle?"tanong ko.

"Janelle?"napalingon si Chizuru,mukhang takot na takot.

"Yes,Janelle."sabi ko.

"Anong sinabi niya sayo?"tanong niya at hinawakan ako sa mga balikat ko.

"Kung tutuusin,nakita rin kita sa panaginip ko."dagdag ko na nakatingin sa kanya.

"Ha? Ano ba nangyari?"tanong ni Sophia.At kinuwento ko naman yung nangyari.

"So sa tingin mo,SI CHIZURU ANG KASAMA NG PRINCIPAL NATIN?"tanong ni Ate Kate.

"Yes,ate."sabi ko.

"Panaginip lang yan,hindi yan totoo kasi panaginip lang."sabi ni Nina

"Sino ba si Janelle,Chizuru?"tanong ni Allysa.

"Siya yung babaeng napatay at nachop-chop ang katawan 209 years ago."sabi ni Chizuru."Ano pang sinabi niya sayo?"

"Naiinis daw siya sakin,at gusto niya akong patayin."

"Nagsisimula na nga ang paghihiganti niya.Siya rin ang dahilan kung bakit sumabog itong school natin 20 decades nang nakakalipas."sabi ni Chizuru.

Secret KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon