Time Travel? Parallel World?

47 5 0
                                    

Time Travel? Parallel World?

Note: () inside this parenthesis are the translations, sharr

----------

[Orelia]

Hayyy, di ko na mabilang ilang beses akong napabuntong hininga. Nalaman ko kay lola pasing yung lolang una kong nabungaran pagkagising ko na etong lugar na eto ay ang Mubani, aang bayang pinagdamutan. Yeah, pinagdamutan talaga. Ang mubani ay isa lamang sa mga sakop na bayan ng kapitulo. Tsaka, pinagdamutan kasi itong lugar na eto ay pinabayaan na ng kapitulo or nakalimutan Pwede ba yun? tulad na lamang ng mga benipisyo katulad ng pagpapatayo ng pagamutan, kung may mga karamdaman man silang dinaramdam ay kailangan pa nilang maglakbay patungo sa Hindaw, ang malapit lapit sa mubani ilang araw lang kasi ang layo nito Duh? Malapit yun e ilang araw ang byahe! Nakupo!

Nasa kubo ako ngayon na tinatawag nilang páyag, nakaupo. Hay, ilang araw na ba ako rito? Baka marami na akong nakatambak na mga operations. Tsaka, di ko talaga ma accept na nag time travel ako, I mean, di naman sila nakabahag? Wala ring mga kastila o hapon. so, di to mako consider na time travel pero di nila alam ang technologies and gadgets so parang nag time travel na din ako ganun? Hayss ang sakit sa fringe! Para akong napunta sa Parallel World, alam niyo yun? Ano? Di niyo alam? Tsk, you missed half of your life.

"Ate orelia, mag dinonggu daw muna kayo " Sabi ni teroy habang nilalapag ang mga dinunggo na gawa siguro nila lola pasing. Tsaka bati na din kami ni teroy. Sinabi niya sa akin kung bakit ilag at galit siya sa akin, yun pala ay akala niya kabilang ako sa mga marangal na tao (noble)

Sabi niya kasi na marami sa mga marangal na tao ay mga sakim at mapangmata sa mahihirap lalong lalo na sa mga taga Mubani. Pero ng sabihin ko sa kaniya na hindi ako isang marangal at nagdahilan na lamang akong isang manlalakbay galing pasig LOL! Ay naniwala naman siya kaya friends na kami! Yey! Nalito pa siya kung ano ang friends kaya sinabi ko na kaibigan ang kahulugan nun, Prends! Haha

"Si lola pasing ba ang nagluto nito teroy?" tanong ko habang kagat kagat ang isang dinunggo ( isang uri ng kakanin na gawa sa pinatuyong niyog)

Nanlaki naman ang mga mata ni teroy habang nakatingin sa akin at tinampal ang akong braso

Suuu- kebata bata pa ang bigat na ng kamay huhuhu

"Ano ka ba ate Orelia! Di dapat ganyan ang kumain ang isang babae!" Pangaral pa sa akin ni teroy, Napa roll eyes na lang ako, kaya nga napapaisip ako if nag time travel ako eh.

"Dapat di ganyan kumain chchchchchc~ chchchchc"

Di ko na naintindihan ang ibang sinasabi ni teroy dahil parang nag chappy siya eh haha. Pasok kaliwang tenga labas sa kanan

Ine enjoy ko ang pagkagat ng mabaling ang aking paningin sa lalaking pinagkakaguluhan at buhat buhat ng kapwa mga lalaki at may nakasunod na umiiyak na dalagita. Anong nangyayari?


Nilunok ko muna ang dinunggu at sabay karipas papunta sa lalaking pinagkakaguluhan. Napasinghap ako sa aking nakita dahil parang tinorture tung lalaki. May mga bakas ng kalmot, latigo at mga daplis na sa tingin ko'y espada o isang kitchen knife pero ang mas malala ay ang saksak nito sa gilid ng tiyan. Delikado siya pag natamaan yung internal organs niya.

"uhuhu kuya pael"

Napansin ko naman ang isang dalagita na sa tantsa ko ay sampung (10) taong gulang palang.

"Tawagin niyo si lola pasing! Magmadali!" sigaw ng lalaking inaapatan ng hard press ang saksak ng lalaki. Napatakbo naman agad si teroy. Napakaraming dugo. As I saw the blood keeps on flowing ay di nako nagpatumpiktumpik pa at agad akong lumapit sa lalaki at chineck ang kaniyang pulso. Nagulat man ang mga tao ay pinabayaan nila ko sa ginagawa ko. Ang mga tao kasi dito sa mubani ay tulong tulong kaya siguro si na nila ako inusisa pa sa aking ginawa.

"Magmadali dalhin natin siya bahay ni lola pasing" mauturidad kong saad at tumayo pero parang nakatanga lang sila sa akin at tinitigan lang ako.

"Pero---"

"Wala nang pero-pero. Hindi nakakabuti sa pasyente ang nakalatag lang sa lupa at baka may pumasok pang bacteria sa mga sugat ng pasyente"

Walang lingon lingon ay nagmartsa ako patungo sa bahay ni lola pasing.

"Ano ang bakterya?"

Naiwang naguguluhan ang mga tao sa sinabi ni orelia pero sinunod pa rin nila eto. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doctor to AncientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon