"Hannah, may nagpapabigay saiyo oh." napatingin ako kay Joshua at may iniabot saaking papel.
"OMG!" dali-dali kong kinuha ang papel sakanya at binasa ito.
Your smile, makes my sun shine.
Hearing your name makes me feel alright.
And I just want to tell you one thing,
You are my everything.-S.
"Jusko, Joshua! Nakailang sulat na ba 'tong "S" saakin?" masaya kong tanong sakanya. Ngumiti lang sya at tumawa.
"Kilala mo ba itong si S? Palagi nalang kasing ikaw ang pinapaabutan nya, baka naman kilala mo? Pakilala mo naman saakin, please?" naka-pout kong sabi sakanya.
"Well, I realy don't know him. I just saw those letters na may nakalagay na pangalan mo kaya naman kinukuha ko na para saiyo." sabi niya.
Napangiti naman ako nang kunin ko ang isang round nalalagyanan ko ng mga letter saakin ni S. Napapangiti ako everytime na naiimagine ko na pagnagkita kami and nagkaroon ng bonding sa isa' isa."Hoy, ano tara?" tanong saakin ni Joshua. Tumango ako tsaka tumayo na at sinundan sya.
No doubt na kapag nagkita kami ni S ay baka magustuhan ko kaagad sya. Yung mga letter na binibigay nya ang palagi kong hinihintay dito sa school kasi nga nakakatuwa.
Ngapala, ako si Hannah Mariz Fotez. College student na ako, Nursing. At si Joshua naman, Joshua Steven Marasigan, bestfriend ko since prep palang kami. Classmate ko sya simula noon hanggang ngayon kaya naman sobrang close na namin sa isa't isa. As in.
"Iniisio mo jan?" tanong nya saakin habang nakasimangot.
"Iniisip ko lang kung sino tong S kasi gusto ko na talaga sya makita." sabay ngiti ko sakanya at tiningnan ang lalagyanan ko.
"Hmmp, crush mo na agad?" tanong nya saakin.
"Hindi ko sure, pero baka oo." sabi ko naman at ngumiti lalo.
Napailing nalang sya at tumawa nalang kaming dalawa.
"Eh, ikaw? May natitipuhan ka na ba? Mind spilling the beans saakin?" nakangiti kong sabi.
"Sa totoo lang, meron na. Sobrang tagal na." sabi nya habang nakatingin sa malayo.
"Hoy, sino yan?" excited kong tanong.
"Hindi ko kayang sabihin, lalo na ngayong may gusto syang iba at baka magbago pa ang pakikitungo nya saakin. Baka magbago ang lahat." malungkot nyang sabi kaya niyakap ko sya mula sa tagiliran nya.
"Hay nako, beshy." saka naman nya tinap ang ulo ko.
"Loko, lumayo ka nga, baka ma PDA tayo dito, naku!" natatawang sabi nya.
Tumawa nalang ako at lumayo.
Mr. S, sana ikaw na ang Mr. Right ko.
"Mr. Right sayo jan." tumatawang sabi ni Joshua.
Tiningnan ko sya ng gulat.
"Yeah, narinig ko sinabi mo." napabuntong hininga nalang ako.
"Mr. Write kamo." sabi niya at tiningnan ko sya at umalis sya bigla.
Right naman sinabi ko ah? Loko talaga yun si beshy.
YOU ARE READING
Mr. Write (Right)
Teen Fiction"Kahit hindi ko pa sya nakikilala at nakikita, feeling ko gusto ko na sya."