It's You...Yes, It's You.(Part I)

186 5 14
                                    

   Masusuot mo ba ang sapatos mo,kung wala ang kapares nito?

.

.

Hay, pag-ibig nga naman,minsan andyan lang sa tabi hinahanap mo pa.

.

.

Ako nga pala si Alexa Montes,cute daw ako pero sa tingin ko,hindi naman masyado.May mga kaibigan akong mga kakaiba din na tulad ko at sila ay magbibigay ng espesyal na bahagi sa buhay ko...

.

.

Ito na ba ang simula ng paghahanap ko sa kapares ng sapatos ko?

Subaybayan niyo po ang aking makulay na kwento na nagsimula nung First Year High School ako.

                                                                                         PART I

                                                                            ( ANG MGA SIKAT!)

                                                                  

                                                                                ------------------

 Napakamemorable ng araw na ito para sa akin,dahil ito ang unang araw ko sa High School.Mag-aaral ako sa pinakasikat na pampublikong paaralan dito sa bayan ng Bayanihan.Tuwang-tuwang ang nanay ko dahil sa wakas, sa kanya na ako nakatira ngaun...Ah bago ko makalimutan ako pala si Alexa Montes,cute daw ako sabi ng nanay ko pero tingin ko hindi naman masyado.Naghahanda na ko sa pagpasok at kung excited ako mas excited ang feeling bagets kong nanay.

" O, anak ha,gagalingan mo para sa susunod ikaw na ang Valedictorian.Ito anak ang pinatahi kong chaleco,naku swerte yan." Tuwang-tuwa ako sa chaleco na para ba akong mukhang reporter.

"Thank you mader,siyempre po gagalingan ko para makakuha ako ng scholarship sa college.Pero mader mamaya ipagluto nio ko ng favorite kong patola na may miswa ha, para lalo akong tumalino hahaha!"

"O siya sige,naku bilisan mo at mahuhuli ka na at ako ay rarampa pa sa pagtitinda."

     Naglakad na ko, nadaanan ko ang munisipyo,talagang napaganda ng lugar na to,sa harap may lawn tennis court pa at sa tabi may mini restaurant at sila ang may pinakamasarap na pansit sa buong bayan.Sa paligid nito ay napakandang bulaklak ng yellowbells may mga bench din dun na pwedeng tambayan.Tumawid ako sa kalsada,ang sarap ng amoy ng nilulutong bibingka ni Aling Manet at talaga naman lahat ay abala sa araw na yun.May nagluluto ng siopao,champorado,pansit,sopas at tinapay na may peanut butter.At ilang minuto lang andito na ko sa eskwelahan ng Mataas na Paaralan ng Bayanihan.Ang mga estudyante ay abala din,mukhang excited din katulad ko.Nakarating na ko sa Room 1,sabi nila ito daw ang pilot section.Ang unang araw?Naku talagang memorable.Umupo na ko sa bakanteng silya.Mayamaya,dumating na ang aming adviser

,"Good morning class,I am Mr. K and I will be your adviser.I'm glad to see all and enjoy your stay here in our humble school.This is a pilot section so, your teachers will be having a high expectations on you. Is it clear class?"

"Yes sir."sagot naman namin."Ngaun aayusin natin ang seating arrangement niyo,gagawin natin itong alphabetical" sabi ni Mr. K.At inayos nga ni Mr. K ang aming upuan.

"Alexa Montes ang katabi mong male ay si Froilan Mortis".Tumayo ako para lumipat,uupo na sana ako ng.......lahat ng kaklase ko ay nagtawanan dahil nahulog ako,dahil hinila ng katabi ko ang upuan ko at imbes na magsorry..

It's you...Yes, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon